^

PSN Opinyon

Sinisira si GMA ng mga kalaban sa pulitika

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Wala akong alinlangan na tutuparin ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang mga ipinangako niya sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Maganda ang mga binanggit niyang proyekto na isasakatuparan sa loob ng isang taon. Kapag natupad ito, walang dudang aangat at uunlad na ang ating bansa.

Ang problema nga lamang ay sobra ang pulitika sa ating bansa. Hindi pa man natatapos ang SONA ni GMA ay tinutuligsa na kaagad ito. Nagpalabas pa ng sariling SONA si Sen. Edgardo Angara, isa sa mga pangunahing lider ng oposisyon. Wala nang tigil ang pag-atake hindi lamang sa mga naturang proyekto ni GMA kundi pati na rin sa mga pang-araw-araw na kaganapan sa pamahalaan. Pinalalabas na wala na yatang tamang ginagawa si GMA at kanyang Gabinete.

Hindi lamang mga kamalian ang binabato kay GMA kundi inumpisahan na rin nilang sirain ang kredibilidad nito. Narito na ngayon ang pagpapalaki ng isyu laban kay First Gentleman Mike Arroyo na inakusahang tumanggap ng suhol. Ibinulgar ito ni Bing Rodrigo, na dating correspondence Secretary ni GMA.

May paniwala ako na marami pang paninira at mga negatibong kampanya ang ilalabas ng mga kalaban sa pulitika ni GMA upang mawalang-saysay ang mga magagandang balak nito sa bansa. Hangarin nilang masira si GMA upang mapatalsik din ito sa kanyang tungkulin.

Ang tanong: ‘‘Kanino kayo kakampi? Kay GMA ba o sa mga sumisira sa kanya?’’ Nasa kamay natin ang patutunguhan at magiging kapalaran ng ating bansa. Kayo ang humatol!

BING RODRIGO

EDGARDO ANGARA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GABINETE

GMA

HANGARIN

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

STATE OF THE NATION ADDRESS

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with