Ang talinghaga ng banyagang bisita

Isang Amerikanong turista ang dumating sa nayon. Tuwang-tuwa itong namasyal kahit na maputik ang daan sa nayon. May dala itong kamera at ang mga tanawin ay kinukunan. Hindi pansin ng Amerikano ang mga namamanghang taga-nayon.

Isang magsasaka ang nakasalubong ng Amerikano. Dahil noon lamang nakakita ng Amerikano kaya tinitigan ito ng magsasaka. Hindi alam ng magsasaka na naiinis at nagagalit ang Amerikano sa pagtitig niya.

Biglang sinampal ng Amerikano ang magsasaka. Napasubsob ang magsasaka dahil sa lakas ng sampal.

Tinulungan ng isang taga-nayon ang magsasaka para makatayo.

Galit na tinanong ng magsasaka ang Amerikano. ‘‘Why did you hit me? Bakit mo ako sinampal? Wala naman akong ginawa sa iyo. Tinitigan lang kita.’’

‘‘Ang sampal ko ay para sa pagbomba ninyo sa Pearl Harbor,’’ sagot ng Amerikano.

‘‘Hindi kami ang may gawa niyon kundi mga Japanese. Ako ay Pilipino!’’

Sumagot ang Amerikano ‘‘Chinese, Vietnamese, Burmese, Japanese, pare-pareho silang lahat sa akin.’’

‘‘Sino ka ba?’’ tanong ng magsasaka.

‘‘Ako si Mr. Goldberg.’’

Biglang sinampal ng magsasaka ang Amerikano.

"Iyan ay para sa paglubog ng barkong Titanic.’’

‘‘Hindi ako ang may kagagawan niyon. Iyon ay dahil sa iceberg.’’

Pasigaw na sumagot ng magsasaka, ‘‘Goldberg, Steinberg, Pittsburg, Iceburg, pare-pareho lahat iyan sa akin.’’

Show comments