Ilan pang kaalaman sa stroke
July 15, 2001 | 12:00am
Natalakay ko na ang tungkol sa stroke noong July 10. Marami akong natanggap na sulat mula sa mambabasa na nagtatanong pa tungkol dito at kung ano pa ang mga latest na pag-aaral, pananaliksik o gamot dito. Narito ang ilang information tungkol sa stroke.
Ang stroke ay ang pagkamatay ng brain tissue na nagreresulta sa mahinang daloy ng dugo at hindi sapat na supply ng oxygen patungo sa utak. Ang stroke ay tinatawag ding cerebrovascular accident samantalang ang brain death ay tinatawag namang cerebral infarction. Ang mga taong na-stroke na ay maaaring makaranas muli ng panibagong stroke. Ang stroke ay itinuturing na isa sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan sa maraming bansa at sa kasamaang-palad wala pang sapat na paraan para ito magamot. Hanggang sa matuklasang gamitin ang aspirin para mahadlangan ang atake ng stroke. Marami nang mga bagong gamot ang lumabas ngayon para sa stroke subalit may kamahalan ang presyo ng mga ito.
May mga gamot na pampababa ng cholesterol at mabisa ang mga ito para sa atake ng stroke at sa puso. Nagsagawa ng anim na taong pag-aaral ang European Society of Hypertension sa 6,000 stroke victims. Binigyan nila ang mga biktima ng gamot na tinatawag na Perindopril (generic name) para pababain ang blood pressure. At napatunayan sa pag-aaral na karamihan sa mga pasyente ay nagkaroon ng normal blood pressure. It was therefore proven that even patients with normal blood pressure responded well to the use of Perindopril since a number of these stroke victims were spared from suffering a second stroke attack.
Ayon sa pag-aaral ang panganib ng stroke at heart attacks ay nabawasan ng 25 hanggang 50 porsiyento samantalang ang mga complications na tulad ng dementia ay nababawasan din. Ang dimentia ay ang pagkabawas sa mental ability tulad ng memorya, pag-iisip at pagpapasya. Sinabi ni Prof. John Chalmers mula sa Australia at Chairman ng study group, na ang paggamit ng Perindopril ay nagbibigay ng beneficial effects hindi lamang sa mga may high blood pressure kundi maging sa mga stroke victims na may mga normal blood pressure.
Sa mga nagtatanong kung ano ang brand name ng Perindopril na ngayon ay available na sa Pilipinas, pinapayuhan ko na humingi sila ng tulong o guidance sa kanilang mga doktor, specialist o magtanong sa mga pharmacists sa local na mga botika.
Ibig ko namang ipaalala sa mga mambabasa na maliban sa treatment sa stroke, ang rehabilitation ay mahalaga rin sa tagumpay na pangangalaga sa pasyente.
Sa mga miyembro ng media na nais magkaroon ng kaalaman tungkol sa stroke management, ang Stroke Society of the Philippines at ang Philippine Neurological Association Stroke Control ay magkakaroon ng diskusyon tungkol dito sa July 18, alas-12 ng tanghali na gaganapin sa Dusit Hotel.
Ang stroke ay ang pagkamatay ng brain tissue na nagreresulta sa mahinang daloy ng dugo at hindi sapat na supply ng oxygen patungo sa utak. Ang stroke ay tinatawag ding cerebrovascular accident samantalang ang brain death ay tinatawag namang cerebral infarction. Ang mga taong na-stroke na ay maaaring makaranas muli ng panibagong stroke. Ang stroke ay itinuturing na isa sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan sa maraming bansa at sa kasamaang-palad wala pang sapat na paraan para ito magamot. Hanggang sa matuklasang gamitin ang aspirin para mahadlangan ang atake ng stroke. Marami nang mga bagong gamot ang lumabas ngayon para sa stroke subalit may kamahalan ang presyo ng mga ito.
May mga gamot na pampababa ng cholesterol at mabisa ang mga ito para sa atake ng stroke at sa puso. Nagsagawa ng anim na taong pag-aaral ang European Society of Hypertension sa 6,000 stroke victims. Binigyan nila ang mga biktima ng gamot na tinatawag na Perindopril (generic name) para pababain ang blood pressure. At napatunayan sa pag-aaral na karamihan sa mga pasyente ay nagkaroon ng normal blood pressure. It was therefore proven that even patients with normal blood pressure responded well to the use of Perindopril since a number of these stroke victims were spared from suffering a second stroke attack.
Ayon sa pag-aaral ang panganib ng stroke at heart attacks ay nabawasan ng 25 hanggang 50 porsiyento samantalang ang mga complications na tulad ng dementia ay nababawasan din. Ang dimentia ay ang pagkabawas sa mental ability tulad ng memorya, pag-iisip at pagpapasya. Sinabi ni Prof. John Chalmers mula sa Australia at Chairman ng study group, na ang paggamit ng Perindopril ay nagbibigay ng beneficial effects hindi lamang sa mga may high blood pressure kundi maging sa mga stroke victims na may mga normal blood pressure.
Sa mga nagtatanong kung ano ang brand name ng Perindopril na ngayon ay available na sa Pilipinas, pinapayuhan ko na humingi sila ng tulong o guidance sa kanilang mga doktor, specialist o magtanong sa mga pharmacists sa local na mga botika.
Ibig ko namang ipaalala sa mga mambabasa na maliban sa treatment sa stroke, ang rehabilitation ay mahalaga rin sa tagumpay na pangangalaga sa pasyente.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am