Pero kahit may kakulangan sa aksiyon itong mga bataan ni Gonzales, hindi naman kumikilos si PNP chief Director Gen. Leandro Mendoza para palitan ito. May alam kayang sekreto itong si Gonzales at ang pinsan niyang Ilongga na nagkataong asawa naman ni Sir Larry? Ano kaya ang nangyari sa plano ni Mrs. Mendoza na i-revive ang PNP Ladies Club para makatulong sa PNP? Ayon sa aking espiya, nakansela ang planong ito ni Mrs. Mendoza kapalit sa pananatili ni Gonzales sa puwesto. Kawawang Pilipinas. Saan ang pagbabago Presidente Arroyo?
Nakapuwesto na halos lahat ng mga ‘‘bataan’’ ni Sir Larry sa magagandang assignments sa PNP at balik na naman tayo sa walang katapusang ‘‘weather-weather’’ na attitude. Ibalik si Erap, ehe… biro lang uli. Noong panahon ni Erap nakasimangot ang lahat ng hepe ng pulisya dahil butas ang kanilang bulsa. Pero ngayong nagbukasan na ang jueteng at iba pang mga ilegal na sugal, hayun at nakangiti na halos lahat ng opisyal ng pulisya, pati na ang opisina ni Sir Larry. May P8 milyon kayang dahilan? Bakit sinibak si Richard? May naghugas-kamay ba?
Sa naturang apartment ni San Juan nagpapahinga ang kaibigan kong columnist na kumakalong sa ilegal na negosyo niya. Doon lang sa paligid ng apartment ni San Juan ay may naka-deploy ng mga video karera machines niya. May puwesto rin siya sa Tramo sa kaliwa ng Buendia, sa Coyegking St., Sto. Niño St., Maginhawa St., Lourdes St., EB Harrison St., Maricaban St., Malibay St., Salud St., at Tiengkiang St., lahat sa Pasay City at may iilan sa Baclaran, Parañaque City.
Kumpleto ang intelihensiya ni San Juan sa opisina ni Sr. Supt. Sonny Gutierrez, hepe ng Southern Police District (SPD), Supt. Alex Gutierrez, hepe ng Pasay City police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni Chief Supt. Nestorio Gualberto.
Alam ito ng kaibigan kong columnist dahil siya mismo ang nagdadala ng intelihensiya sa mga unit ng pulisya.