^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng buwis

-
Ang magsasaka ay maituturing na matinong tao. Malakas ang sampalataya niya sa Diyos kahit bihirang magsimba. Kasi naman wala ni kapilya ang kanilang nayon. Ang simbahan sa bayan ay lubhang malayo. Kalahating araw itong lalakarin.

Maganda ang pakikisama ng magsasaka sa mga taga-nayon lalo na sa mga kapitbahay. Hindi siya naninira ng sinuman. Wala siyang alam na kaaway.

Tuwing may gawain sa nayon ay nag-aabuloy siya o tumutulong. Gaya ng paggawa ng paaralan o ng kalsada. Pag may bisita ay kasama siya sa pagpapakain.

Hindi siya nagsisinungaling kailanman. Ang buong buhay ay nakatutok sa pamilya at sa kanyang pagsasaka.

Isang araw ay may dumating na sulat na nagsasaad na kulang ang ibinayad niyang buwis sa nakaraang limang taon. Hindi niya nalaman na kailangan palang magbayad ng buwis para sa kanyang dalawang alagang baka. Noon lang siya nasita ng opisina na nangungolekta ng buwis.

Hindi siya makatulog ng isang linggo. Hindi niya matanggap na nagkulang siya sa pagbabayad ng buwis.

Sinagot ang sulat at naglakip ng pera. "Tama po kayo. May pagkukulang akong buwis dahil sa dalawa kong baka. Kalakip po ng aking sulat ang halaga para sa aking obligasyon. Isang linggo po akong hindi makatulog. Gumagalang..." Nakalagda ang magsasaka.

Sa baba ng sulat ay may pahabol. "Pag nagpatuloy na hindi ako makatulog ay dadagdagan ko pa ang aking ibabayad na buwis para sa dalawa kong baka."

BUWIS

DIYOS

GAYA

GUMAGALANG

ISANG

KALAHATING

KALAKIP

PAG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with