Maraming matatanda ang nangungulila sa pagmamahal at pagkalinga ng mga taong sa buong-akala nilay silang magiging gabay nila sa pagtanda. Dahil nga sa kakulangang nabanggit kung kaya maraming matatanda ang lumalayas sa kanilang tirahan, lumalaboy sa mga lansangan, namamalimos at iyong iba ay nasa mga bahay-ampunan. Marami sa kanila ang nakadadama ng pagkahabag sa sarili at humihiling sa Diyos na bawian na ng buhay.
Isang makabuluhang proyekto ang inilunsad kamakailan ng Manila-Gagalangin Lions Club District 301-A1 na tinawag na Bigay saya kay Lolo at Lola at itoy ginanap sa Mendoza Compound, Pines Road, Tagaytay City.
Maraming lolo at lola ang tinipon at hinandugan ng isang natatanging palabas sa pangunguna ng project chairperson na si Maria Socorro Echevaria Nueno. Bukod sa masasarap na pagkain ay tumanggap din ang mga senior citizens ng sari-saring regalo na sadyang pinag-isipan, pinag-ipunan at inihanda nina Marisoc. Nagkaroon din ng paligsahan sa ibat ibang laro ang matatanda. Isang musical program ang nilahukan ng lahat at labis na naaliw sa pagsasayaw ang matatanda.
Ayon kay Marisoc dahil sa matagumpay ang proyekto ay naisipan nila Dr. Sabina Mariano, Connie Dizon, Nenita Perez at iba pang opisyal at kasapi ng kanilang Lions Club na magsagawa ng kaparehong proyekto sa iba pang lugar sa Pilipinas.