^

PSN Opinyon

EDITORYAL - OFWs: Bagong bayani o bigong bayani?

-
Kahapon ay Migrant Workers Day. Araw ng mga tinatawag na makabagong bayani – ang mga overseas Filipino workers (OFWs). May walong milyong OFWs ang nakakalat sa kung saan-saang lupalop ng mundo. Sila iyong mga kumikita ng dollar na nagbibigay-lakas sa naghihingalong ekonomiya ng bansa. Nang manalasa ang financial crisis sa Asia noong 1997 at grabeng naapektuhan ang Pilipinas, ang mga OFWs ang nagsalba sa pamamagitan ng ipinadadala nilang dollar. Subalit sa kabila ng malaking tulong na naibibigay ng mga "makabagong bayani", masakit malamang hindi pa rin kayang tumbasang lubos ng gobyerno ang kanilang pagpapakasakit. Nananatiling salat sa tulong ng gobyerno ang mga kawawang OFW’s.

Bagamat may mga OFWs na natulungan ng gobyerno, nakalalamang pa rin ang mga hindi nabibigyan ng atensiyon. Marami ang minalas na maparusahan na hindi na nabigyan ng tamang hustisya. Ang mga nabigyan ng atensiyon ay iyong mga natutukan lamang ng media. Gaya ng mga kaso nina Sarah Balabagan, Violeta Miranda at John Aquino. Ang mga nabanggit ay pupugutan na sana ng mga ulo kundi napaputok ng media. Saka lamang kumilos ang gobyerno. Isang pagkakamali ng gobyerno ay ang kaso ni Flor Contemplacion na binitay sa Singapore noong 1996.

Hindi natitinag ang ilang embahada ng Pilipinas sa mga bansang kinaroroonan ng mga Pinoy at walang pakialam kung may pupugutan ng ulo, bibitayin, o ipa-firing squad. May pagkakataon pang sa mismong embahada nagaganap ang pang-aabuso o pagmamaltrato sa mga tumatakas ng Pilipina domestic helper.

Kamakalawa’y isang Pilipina ang pinugutan ng ulo sa Jeddah, Saudi Arabia. Ang pinugutan ay si Edan Tejano, 28. Ayon sa report, napatay ni Tejano ang amo nitong Arabo makaraang pagtangkaang gahasain. Makaraang mapatay ang amo, nagtungo si Tejano sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Subalit natunton siya rito ng mga Saudi police at hinuli. Ayon sa mga Saudi police, pinatay ni Tejano ang amo makaraang nakawan ito ng mga alahas. Nakuha umano ang mga alahas sa isang nagngangalang Aireen Mazo. Ipinagbili umano ni Tejano kay Mazo ang mga alahas. Hinuli rin si Mazo at pinutulan naman ng kamay.

Ang pagpugot kay Tejano ay nataon sa panahong ipinagdiriwang ang araw ng mga migranteng Pilipino. Pero may halaga pa bang gunitain ang araw ng mga OFWs na salat sa kalinga ng gobyerno? Kailan nga ba magkakaroon ng proteksiyon ang mga OFWs mula sa gobyerno upang hindi maging biktima ng walang katarungang parusa. Bagong bayani ba sila o Bigong bayani?

AIREEN MAZO

AYON

EDAN TEJANO

FLOR CONTEMPLACION

GOBYERNO

JOHN AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with