Paano sasagipin ang Press Club?
June 7, 2001 | 12:00am
Sa darating na August 22, 2002, singkuwenta anyos na ang National Press Club of the Philippines (NPC).
Kailangan nang tumawag ng general assembly meeting upang amyendahan ang charter nito at mai-refile sa Securities and Exchange Commission. Kung hindi, dedo na ang NPC.
Si Louie Logarta ng Philippine Tribune ang bagong halal na Presidente at ako naman ang nahalal na Vice President ng NPC sa ginanap na election noong unang linggo ng Mayo. (Salamat sa mga kabaro kong nagtiwala sa akin).
Alam naming malaki ang problema sa pananalapi ng NPC bago pa man kami kumandidato. Pero hindi namin alam na ganito pala kadambuhala ang problema.
Ang problema ay nagmula sa mga hindi nabayarang atraso ng mga nakalipas na administrasyon kasama na ang unpaid wages and benefits ng mga kawani na umaabot sa mahigit P9 milyon. Naghabla sa National Labor Relations Commission ang unyon ng mga kawani at may ruling na pabor sa kanila. Non-proft at non-stock ang NPC at hindi madaling mag-generate ng ganoon kalaking halaga.
Nagulat na lang kami nang kahapoy dumating ang abogada ng union ng Press Club na may mga kasamang tauhan para batakin ang ilang ari-arian ng NPC tulad ng bilyaran, piano at air conditioning units na ibebenta raw upang mapunuan ang hinahabol na backwages ng mga kawani. May dala siyang certificate of sale na pirmado ng NLRC sheriff na nagpapatunay na naibenta na ang mga inilit na ari-arian. Sa ika-13 ng buwang itoy darating muli ang sheriff para kunin ang iba pang mga kasangkapan. May pagka-arogante pa ang lady lawyer pero saka ko na lang ikukuwento sa inyo.
Buti na lang at hindi kasama sa listahan ng sheriff ang pinakamahalagang asset ng club. Ang malaking Manansala mural na ang halagay itinataya sa P20 milyon. Hindi kasi basta-basta maibebenta ito dahil kakailanganin ang permiso ng mga Lopez dahil ang matandang Eugenio Lopez Sr. ang kumuha sa National Artist na si Vicente Manansala upang iguhit ang ngayoy antigo nang painting na puro gasgas na at dumi habang patuloy na nabubulok sa restawran ng NPC.
Ikinukonsidera ng NPC board na ibenta ang painting pero wala pang pinal na desisyon tungkol dito.
Nagtatanong ang beteranong kolumnista na one-time President ng NPC na si Neil Cruz kung wala na raw bang ibang paraan bukod sa pagbebenta sa isang priceless national heritage?
Artist din ako bukod sa pagiging journalist. Sa tingin ko, isang akto ng pagpapahalaga at malasakit kung ipagbibili sa tamang institusyon ang painting. Isang institusyong mangangalaga sa obrang ito upang sagipin sa mabilis na pagkabulok.
Double benefit dahil bukod sa mapapangalagaan ang painting, magkakaroon pa ng sapat na pondo ang NPC upang masagip ang sarili sa pagka-bangkarote at tuluyang pagsasara.
Ang pamilya Lopez mismo ay may museo na maaaring mangalaga sa naturang mural. Maaaring sila mismo ang umangking muli sa painting sa kondisyong babayaran nila ang pagkakautang ng club. Maaari ring bilhin ito ng Ayala Museum o ng National Museum o alinmang institusyong interesado rito.
Nakakadismaya ang kalagayan ng painting na dumaranas ng pagkabulok dahil sa kawalang kakayahan ng NPC na mapangalagaan ito. Nauuntog ito sa mga mesa at silyang tinutulak ng mga waiter kaya marami nang gasgas at ang pinta sa maraming bahagi nitoy kumukupas na. Napapanahon nang ipaubaya ito sa tamang organisasyon na mangangalaga rito. Napapanahon ding sagipin ang NPC sa tuluyang pagsasara.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am