^

PSN Opinyon

Ang Espiritu ng katotohanan

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Sampung araw na lang at Pentekostes na o ang pagdating ng Espiritu Santo. Ito ay sa Hunyo 3. Mainam na ang Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa pangako ni Jesus na kanyang isusugo ang Espiritu Santo sa kanyang mga alagad.

Si Jesus, pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na muli, ay nagpakita sa kanyang piniling mga saksi sa loob ng 40 araw. Sa ika-40 na araw, siya ay umakyat sa langit. Subalit hindi niya iniwan ang mga alagad nang nag-iisa. Sa ika-10 araw mula nang siya’y umakyat sa langit, sinugo niya ang Espiritu Santo sa mga alagad.

Basahin natin ang ebanghelyo ni Juan at tuklasin natin kung sino ang Espiritu Santo at ano ang kanyang dapat na gawin (Juan 16:12-15).

‘‘Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu Santo ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig at ipapahayag ang mga bagay na darating. Pararangalan niya kayo, sapagkat sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo.’’


Sinasabi sa atin ni Jesus na ang Espiritu ay ang Espiritu ng katotohanan. Ang Espiritung ito ay ang kanyang Espiritu at ang Espiritu ng Ama. Ang Espiritung ito ay hindi nagkatawang-tao. Hindi ito namatay sa krus. Si Jesus ang naging tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu. Ang Espiritu ang nagbigay-buhay muli kay Jesus sa isang panibagong buhay. At si Jesus naman ang nagbuhos ng Espiritu Santo sa mga alagad at sa Simbahan. Ipagpapatuloy nila ang pagdadala ng kaligtasan sa lahat ng nasa mundo hanggang sa wakas ng panahon.

At ano ang gagawin ng Espiritu? Siya ang gagabay sa mga alagad. Sa mga katotohanang hindi nila maunawaan, siya ang tutulong upang ang mga ito’y kanilang maintindihan. Tulad ng mga alagad, ang Espiritu ay ibinigay din sa atin. Ito ay nangyari nang tayo’y bininyagan. Sa bawat sakramentong ating tinatanggap, tinatanggap din natin ang Espiritu ni Jesus nang mas ganap upang sa gayon ay kanyang maangkin ang ating mga isip at puso. Ito rin ang nangyayari kapag tayo’y nagdarasal. Inaanyayahan natin ang Espiritu Santo na liwanagin ang ating isipan, paalabin ang ating mga puso ng pagmamahal.

Sa tuwi-tuwina ay manahimik. Hayaan ang Espiritu na ipadama sa inyo ang kanyang presensiya.

ANG ESPIRITUNG

ESPIRITU

ESPIRITU SANTO

KANYANG

SI JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with