ORA MISMO: Kotong cops balik negosyo
May 15, 2001 | 12:00am
Ngayong tapos na ang election siguroy bibigyang pansin na ni PNP bossing Leandro Mendoza ang daing ng mga kuwago ng ORA MISMO tungkol sa ilang kamoteng miyembro ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) diyan sa WPD. Hulidap groups daw ang mga ito?
Luminya ang CIDG- Kotong Cops sa Customs houses partikular sa airport at sa pier para manila ng makikikilan.
May ilang nag-iiyakan sa airport na kinikilan ng CIDG-Kotong Cops at sa may WPD daw pinasusuka ang mga pobreng importer/broker.
Kinakapa ng mga kuwago ng ORA MISMO ang pangalan ng mga CIDG-Kotong Cops.
Ginagamit pa raw ang pangalan ni retired General Jose Calimlim para ipanakot ng CIDG-Kotong Cops sa mga kinikikilan nilang tao?
Si Calimlim kasi ang binasbasan ni Prez Gloria para muling maging bossing ng anti-smuggling group kasi binuwag noon ni Bigote ang Ask Force Aduana, este mali, Task Force pala kasi naging matakaw sa pera ang ilang kamoteng tauhan nito.
Tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na walang alam si Calimlim sa pangongotong sa Customs! Porke alam natin kung ilang sundalo ang pinakulong nito noong active pa ang TFA.
"Aalma si Calimlim kapag may nagbulong sa operasyon ng CIDG-Kotong Cops, inis na sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.
Tapos na ang eleksyon! Kaya tapos na rin ang mga pakiusap, sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
May basbas kaya kay Gualberto ang CIDG-Kotong Cops? tanong ng kuwagong tiktik kalawang.
Siguro?
Ayaw kumibo.
Palagay ko dapat kalampagin ni Calimlim ang Crame tungkol sa CIDG-Kotong Cops?
Bakit pa?"
"Para malaman niya kung sino ang gumagasgas sa kanyang pangalan."
Bakit nag-ooperate ang CIDG-Kotong Cops sa Customs?
Para magka-pitsa ang mga tusong pulis.
Eh mga kamoteng taga-EIIB daw ang tipster/pointer kung sino ang pipitsain?"
Para ano?
Hati-hatiin ang perang nakulimbat.
Kaya pala.
Tiyak patay sila.
Kanino?
Kay Larry Boy.
Bakit?
Binubukulan nila?
Hay, buhay!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended