Surveys masira kaya?
May 15, 2001 | 12:00am
Mabagal parati ang Comelec official count. Pati Namfrel Quick Count madalas maantala ng mga gulo sa precinct tallying. Sabik na tayo sa resulta ng senatorial election. Kasi gusto natin malaman kung accurate ang surveys o kung babaligtarin sila ng tinatawag na command votes.
Halimbawa ng command votes ang Iglesia ni Cristo. Panawagan ni Minister Eraño Manalo sa kasapian ay 8-4-1: walong People Power Coalition, apat na puwersa ng Masa, isang independent. Halos ganoon din ang 9-4 ng Jesus Miracle Crusade: siyam na PPC, apat na PnM. Ang El Shaddai naman, baligtad na 5-8: limang PPC, walong PnM.
Lumabas ang endorsements nila mula Mayo 8-11, ilang araw bago election day. Ang surveys naman ng Social Weather Station, parating 8-4-1 ang resulta. Yung dalawang pinakahuli Abril 24-27 bago lusubin ng Erap loyalists ang Malacañang, at Mayo 4-7 matapos ang riot 8-4-1 pa rin. Nagkaiba lang ang ranking ng walong PPC at apat na PnM.
Mababago kaya ito ng command votes ng INC, JMC at El Shaddai? At ano kaya ang magiging epekto ng matinding kampanya ng Couples for Christ at Jesus Is Lord para sa 13-0 ng PPC? Yan ang nakapananabik.
Nung 1998 presidential election, tumama ang surveys. Kasi maaga lumabas ang command votes, di tulad ngayon na sa huli ng campaign.
Maraming nasisirang forecast sa election 2001. Kasi may limang matinding national events na naganap. In-impeach sa kauna-unahang pagkakataon ang isang Presidente. Nilitis na may full media coverage. Nang kumilya ang Senado, nagka-People Power-II na nagpa-resign kay Joseph Estrada. Tapos, inaresto siya. Pumalag ang loyalists na nag-rally sa EDSA Shrine bago lumusob sa Malacañang. Tiyak, may impluwensiya ito sa election results.
Pati ako nga, nasira ang obserbasyon. Sinulat ko kamakailan lang na local elections lang ang magulo. E malay ko bang magkakaroon ng riot sa Mendiola, matapos ang pinakamahabang miting de avance anim na gabi sa kasaysayan ng elections.
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am