Pakinggan natin si Jesus. Nananalig tayo sa kanya. Tayoy kanyang mga tupa (Jn. 10:27-30).
Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan at kailanmay hindi sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.
Nakakapampalubag-loob na marinig ni Jesus na kilala tayo. Na minamahal niya tayo. Bilang isang mabuting Pastol, alam ni Jesus kung ano ang ating mga pangangailangan. Ibinibigay niya ang ating mga kinakailangan. Sisiguruhin niya na ligtas tayong makakauwi sa ating tahanan na kung saan makakapiling natin siya magpakailanman.
Sa harap ng ganitong nakakaligayang mga pag-iisip, kamiy nabagabag ng mga pangyayari noong nakaraang Martes. Maraming mga Pilipino, na naudyukan ng mga maiinit na talumpati, ang kumilos patungong Malacañang upang kanilang pagnanais na maibalik sa poder ng panguluhan si Erap ay mangyari. Datapwat karahasan ang nangyari.
Sinumang nagtatakda ng karahasan sa malakihang paraan ay dapat mayroong plano. Dapat may sapat na bala. At higit sa lahat ay may mga pinunong nagbibigay ng mga utos at sinusunod. Subalit walang mga lider. May mga bato lamang sila na ipinupukol sa mga pulis at mga sundalo. Ang tanging plano nila ay ang paggamit ng pisikal na puwersa.
Ang mga mahihirap na ito ay dapat kahabagan at hangaan. Kahabagan, sapagkat silay ganap na nagamit at naabuso ng mga taong walang ibang iniisip kundi ang gamitin sila para sa kanilang gahamang mga balakin. Silay dapat hangaan dahilan naman sa kanilang ipinamalas na katapangan. Hindi nila iniisip ang sakit at panganib na kanilang sinusuong.
Subalit ang mas malaking katanungan para sa ating lahat ay: Ang mga itoy ang ating mga kababayang mahihirap. Ano ang magagawa natin para sa kanila? Ang mga ito ay kawan din ni Jesus. Ano ang nais ni Jesus na gawin natin para sa kanila?
Sinasabi ni Jesus, Ang mga itoy aking mga tupa. Nais kong pangalagaan ninyo sila! Tulungan nyo sila na maramdaman na silay may dangal. Tulungan nyo silang maramdaman na silay mga mamamayan ng isang bansa; na silay kabahagi ng Simbahan; na silay aking mga kawan. Tulungan nyo silang makahanap ng katugunan sa kanilang galit. Gumawa kayo ng paraan upang maalis ang kanilang kapaitan.
Isipin ninyo kung paano kayo makakatulong. Kumilos ngayon.