^

PSN Opinyon

ORA MISMO: Utak balbakwa si Mr. 4th District councilor

- Butch M. Quejada -
Matindi ang tililing ng isang tumatakbong konsehal sa Quezon City kaya kailangan itong dalhin sa mental hospital para malapatan ng kaukulang lunas bago mahuli ang lahat.

Aktibo si Mr. Sayad sa kanyang kandidatura kasi madalas itong makitang tumatakbo sa QC Circle kada umaga dala ang isang lata ng bisquit na sinusubo sa kanyang puwit, este, mali sa bunganga pala.

Apo raw ito ng dating Prez kaya marami ang nabibilaukan kapag ito ang kuwento niya sa akala niyang boboto sa kanya porke kilala nilang utak balbakwa si Mr. Sayad.

Si Mr. Sayad ay walang relasyon kay Miriam pero magkasangga sila kasi magkadikit daw ang kanilang kuwarto sa mental hospital nang makitang nagpapa-check-up silang dalawa.

He-he-he! ang sagot ni Mr. Sayad sa doktor nang tanungin kung may panalo siya sa pagka-konsehal.

Tinatakot ni Mr. Sayad ang mga respetadong kandidato sa QC na walang tililing kasi ipakukulam daw niya ang mga ito kapag hindi humingi sa kanya ng permiso para magkabit ng election materials sa QC Circle.

Isa-isa nang kinukumbinsi ni Mr. Sayad ang mga botante sa QC na may tililing, sabog sa rugby at mga kamoteng puwede niyang lagaputin para iboto siya sa May 14 election.

"Tiyak puro may tililing ang boboto kay Mr. Sayad sa darating na eleksyon," sabi ng kuwagong nurse sa mental hospital.

"Puro galing sa loob ng mental ang kasama ni Mr. Sayad kapag nagha-house-to-house," tumatawang sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Eh, ano ang dapat nating gawin kay Mr. Sayad?" tanong ng kuwagong mangkukulam sa EDSA.

"Ipatawag ang kanyang kasangga."
"Sino?"
"Si Miriam tililing ba?"
"Bakit?"
"Para magkasama sila."
"Saan?"
"Sa mental?"
"Hindi!"
"Ano?"
"Sa pagtalon sa eroplano."
"Tiyak hindi sila papayag."
"Bakit?"
"Hindi sila sira!"

AKTIBO

ANO

APO

BAKIT

MR. SAYAD

QUEZON CITY

SAYAD

SI MIRIAM

TIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with