Naitaguyod din ang Ipaglaban Mo Foundation. Pagkalipas ng mahigit 10 taon, libu-libong mamamayan ang nabenepisyuhan ng Ipaglaban Mo at tinutugunan ang kanilang mga problemang legal.
Napasikat ng Ipaglaban Mo ang mga kasong nadesisyunan ng Kataas-taasang Hukuman. Lumawak ang kaalaman ng mga tao habang sila ay inaaliw ng drama. Ang sangay na ito ng pamahalaan ay naipaliwanag at pinamulat sa ordinaryong mamamayan, dahil sa Ipaglaban Mo. Maraming mga programa ang gumaya at lalong sumikat ang batas at mga desisyon ng hukuman. Ang nanguna rito ay Ang Ipaglaban Mo o (AIM).
Ngayon, tinatahak ng Ipaglaban Mo na baguhin ang antas ng serbisyo sa Kongreso. Sa pamamagitan ng party list system, pumapasok ang AIM upang palawakin ang impormasyon ukol sa mga batas at panukalang inihahain sa Kongreso. Ang pagpapalawak ng impormasyon ay kakayahan ng AIM. Kung ano ang kasikatang naibigay sa Supreme Court cases, ganoon din ang ninanais ng AIM sa batas ng Kongreso.
Bukod dito, layunin din ng AIM na pangalagaan ang karapatan at interes ng mga propesyonal, negosyante, mga guro at empleyado, sa larangan ng pagtataas ng antas ng kakayahan at kagalingan; pagmulat sa kanilang responsibilidad at komunidad, at pagpapatibay ng moralidad at dignidad.
Ang AIM ay naghahangad na patuloy na magserbisyo. Marami itong batas na nais ipanukala sa Kongreso. Ito ang makatuwirang iboto sa darating na halalan para sa party list representative.