Pero kung pagmamasdan naman ninyo sa ibang bahagi ng Metro Manila, madismaya kayo sa mga palitan ng maaanghang na salita ng mga magkatunggali sa mga local na puwesto at ang nakakalungkot mga key players din ng EDSA 2 ang ilan sa mga ito.
Isa sa halimbawa ay itong kampo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, isa sa mga promising leaders ng bansa sa ngayon. Hindi maganda para sa imahe ni Abalos ang ginawang pambubugbog ng kanyang private army sa dalawang bata na pumapaskil ng mga posters sa isang barangay kamakailan. Sigaw nang sigaw si Abalos sa EDSA 2 ng pagbabago sa pulitika, eh ano itong ginagawa ng private army niya na pinamumunuan ni SPO1 Felipe Lim Jr., hepe ng anti-vice Task Force?
Hindi bat itong grupo rin ni Lim ang itinuturo na bumabaklas ng mga campaign materials ng mahigpit na karibal ni Abalos na si dating Vice Mayor Ernesto Bibot Domingo. Di ba lumang pamamaraan sa pulitika yan? Pero habang abala itong si Lim sa mga dirty tricks ng kampo ni Abalos, nakalimutan na ata niya ang kanyang trabaho laban sa mga illegal na pasugalan dahil patuloy na namamayagpag sina Diday, Ely Kambingan at Buddy sa siyudad ni Abalos. Si Buddy kasi ang pinakamalaking kabo ni Metro Manila jai-alai bookies king Al Adriano ng Makati City sa Mandaluyong City.
At ang nakapagtataka, kung itong si Lim ay pumapatol sa sugal-lupa tulad ng tong-its, mahjong at cara y cruz, bakit itong mga malalaking sugal ay hindi niya pinapansin? Magkano ba ang buwanan mo kina Diday, Ely Kambingan at Buddy, ha SPO1 Lim? Tanong lang.
Kapag patuloy pa itong pananalasa ng private army ni Abalos laban sa kampo ni Domingo, ibig sabihin nito nakalimutan niya sa isang iglap ang mga isinisigaw niya noong EDSA 2, di ba mga suki? Kasi nga kung ano ang nakikita ng mga kabataan sa ating leaders ngayon, yon din ang gagawin kapag silay pumasok na sa pulitika. Kasi itong mga kabataan ngayon ay aktibo at sumasali na sa paghubog ng kanilang kinabukasan. Aalmang muli sila subalit kapag dumami ang pulitikong sumunod sa yapak ni Belmonte, maaaring makukumbinsi pa sila na may pagbabago pang mangyayari sa ating bansa.