^

PSN Opinyon

Pulis, pulis kung pumatay mabilis?

- Butch M. Quejada -
Panundot lang! Halos 70 porsiyento ng mga botante ang may gusto kay Oriental Mindoro Vice Governor Bart Marasigan, pambato ng LAKAS-NUCD para governor ng nasabing lalawigan kaysa kay Charlie Valencia, ang asawa ni Gov. Rodolfo Valencia matapos magsagawa ng isang survey ang mga kuwago ng ORA MISMO rito. Congrats, Bro. Bart!

Balik tayo sa isyu ng kapulisan.

Grabe ang mga kamoteng PNP ngayon. Sila na ang humahatol sa mga taong gusto nilang ibaon. Remember Dacer and Corbito at ang tatlong pinugutan ng ulo sa Quezon City?

Mga karumal-dumal na krimen ng mga pulis, pulis kung pumatay, mabilis.

Ang PNP para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino ay guwardiya ng mamamayan para pangalagaan ang kapayapaan at katahimikan sa bansa. Ang mga ito ay pinasasahod mula sa buwis ni Juan dela Cruz.

Nakatatakot kung gumalaw ang mga pulis, pulis kung pumatay, mabilis porke wala silang Diyos sa kanilang katawan basta ang alam nila ay sila ang siga.

Saan mang sulok ng kagaguhan ay sabit ang kapulisan tulad ng illegal drugs, salvaging, illegal gambling, prostitution, et cetera, et cetera.

Alam natin na hindi lahat ng pulis ay mga gago pero ang mga ito ang sumisira ng imahe ng buong kapulisan kaya si Juan dela Cruz ay walang gana sa PNP sa nangyayari ngayon sa kanilang hanay.

"Ano ang dapat gawin sa mga gagong PNP?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Siguro panahon na para kalusin ang kanilang mga kagaguhan," sagot ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

"Eh, ano ang ginagawa ni Chief PNP Larry Boy?"

"Tiyak na masama ang loob ni bossing sa mga balitang nangyayari," sagot ng kuwagong Kotong Cop.

"Eh, ano ang maganda?"

"Parusahan ang mga ito sa lalong madaling panahon para makita ng Pinoy na hindi sila spoiled sa kasalukuyang administrasyon."

"Anong parusa ang dapat?"

"Ikulong sila!"

"Teka, may due process din ang mga kamote."

"Mas maganda kung ibibigay natin sila."

"Kanino?"

"Sa Sparrow Unit, he-he-he!"

CHARLIE VALENCIA

CRUZ

KOTONG COP

LARRY BOY

ORIENTAL MINDORO VICE GOVERNOR BART MARASIGAN

QUEZON CITY

REMEMBER DACER AND CORBITO

RODOLFO VALENCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with