Tapos na nga kaya ang Dacer case?
April 19, 2001 | 12:00am
Sana nga ay tuluy-tuloy na ang pagtutok ng PNP at NBI at ng Department of Justice sa kaso ng pagkidnap at pagpatay sa PR man na si Bubby Dacer. Nakakagulat nga at napapansin kong biglang bumilis ang ginawang pag-iimbestiga ng PNP at NBI sa kasong ito na hindi katulad noong panahon ni dating President Joseph Estrada at PNP Chief Panfilo Lacson.
Kahapon ng umaga, pormal na inihayag sa pamamagitan ng isang press conference na ipinatawag ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza na dinaluhan naman nina DILG Sec. Joey Lina, Justice Sec. Nani Perez, NBI Director Reynaldo Wycoco at iba pang mga matataas na opisyal ng Kapulisan at ng gobyerno ang 10 suspects na may kinalaman sa pagpatay kina Dacer at ang driver nito na si Manuel Corbito.
Iprinisinta sa media ni Chief Supt. Nestorio Gualberto, Chief ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga nagplano at gumanap ng mga papel sa pagkidnap at pagpatay kay Dacer at Corbito. Sinabi ni Gualberto na maaaring maging state witnesses ang mga ito upang makatulong na maituro kung mga sino ang talagang mastermind sa kahindik-hindik na pangyayaring ito.
Gusto kong batiin si General Gualberto at ang kanyang mga tauhan sa CIDG sa mabilis nilang pagkilos. Magandang halimbawa ang ipinakikita nila na dati-rati ay pawang pagwawalambahala at kapalpakan. Dapat lamang na bigyan sila ng papuri at komendasyon.
Nasisiguro ko na ang buong sambayanan ay umaasa na mahuli na kaagad ang mga taong nasa likuran ng krimen na ito. May haka-haka ang mamamayan kung sino ang mga ito. Sana ay hindi na magpatumpik-tumpik ang pamahalaan na matapos na sa madaling panahon ang Dacer-Corbito murder case nang sa ganoon ay makatulong ito sa pagiging normal ng ating bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended