Kamakailan ay namatay ang aking kapatid dahil sa aksidente. Dahil hindi naman sila legal na hiwalay ng kanyang asawa, kine-claim po ngayon ng aking hipag ang mga benefits na dapat sanay tuwirang ibigay sa kanyang tatlong anak. Nangangamba po kami dahil kapag nakuha ng aking hipag ang lahat ng benefits tulad ng mga manggagaling sa SSS at mula sa kompanya ay baka wala nang matira pa sa aking mga pamangkin na mga menor de edad pa. Nakapisan sa akin ang mga ito.
Ano po ang dapat naming gawin? Maaari po ba na-ming utusan ang SSS at ang kompanya na huwag i-release ang mga benefits sa aking hipag? Marivic Villapando ng Obando, Bulacan
Ang una ninyong gawin ay pumunta sa pinakamalapit na SSS branch, dala-dala ang mga dokumento ng kapatid mo at xerox na kopya nito. Tapos humingi ng kopya ng form tungkol sa guardianship. Kasama ng kopya ng form nang guardianship ay mayroong listahan ng mga dokumento (requirements) na dapat ninyong isumite. Kapag kumpleto ang mga dokumento mong dala ay kumpletuhin kaagad ang guardianship form at isumite kaagad.
Bibigyan kayo ng SSS nang notisya na mag-eksplika base sa guardianship form na inyong isinumite. Ang iyong hipag ay bibigyan din ng notisya ng SSS na dapat siyang mag-eksplika kung bakit siya hiwalay sa kanyang asawa noong panahon ng kamatayan nito. Ang SSS ay gagawa nang sariling imbestigasyon tungkol sa iyong sinumite sa guardianship form.