^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakababagabag na ang kriminalidad

-
Namumulaklak ang kriminalidad dito sa Metro Manila at hindi ito dapat ipagwalambahala ng mga awtoridad lalo na ng Philippine National Police (PNP). Ngayong nalalapit na ang May 14 election inaasahang tataas pa ang mga krimen. Bumabalik ang kidnapping (may siyam na insidente na mula nang maupo si Gloria Macapagal-Arroyo). Umaatake naman ang mga holdaper at pumapatay pa. Wala na talagang kinatatakutan ang mga kriminal ngayon. Lalo pa’t urung-sulong ngayon ang GMA administration sa isyu ng death penalty. May indikasyong nagpapakita siya ng kalambutan at magpapatawad sa mga gumawa ng kabuktutan sa kapwa.

Kamakailan ay isang babaing estudyante ng La Salle ang ginahasa at pinatay bago itinapon ang bangkay nito sa isang creek sa Parañaque. Hanggang sa kasalukuyan, nangangapa pa ang PNP at ang National Bureau of Investigation sa karumal-dumal na kamatayan ni Claudine Feliciano, 21. Nawala si Claudine noong gabi ng March 10 makaraang mamasyal sa Ayala-Alabang Center at ihatid ang isang babaing kaibigan sa bahay nito. Kinabukasan, nakita ang hubo’t hubad na bangkay nito sa isang creek. May tama ng bala at maraming pasa sa katawan. Sinabi ng pulisya na maaaring mga drug addict na mula sa mayayamang angkan ang mga nanggahasa at pumatay kay Claudine.

Noong Biyernes ay inilunsad ni GMA ang "anti-crime telephone hotline" kung saan ay maaaring makatawag ang mamamayan sa telepono sa pamamagitan ng pag-dial sa mga numerong "117". Sinabi ni GMA na madaling makareresponde ang mga pulis o ang mga bumbero sa mamamayan sa oras ng panganib kapag tumawag sa nabanggit na numero. Ini-order na umano niya ang pagde-deploy sa may 1,000 pulis sa mga kalsada ng Metro Manila upang makatugon sa pangangailangan ng mamamayan. Ang ‘‘anti-crime hotline’’ ay sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government, PNP at iba pang ahensiya.

Maganda ang planong ito ni GMA. Subalit hindi kaya ito maging ningas kugon lamang. Sa mga nakaraang administrasyon, may mga isinagawa na ring ganitong paglaban sa kriminalidad subalit nauwi rin sa wala. Matutupad na kaya ito ngayon gayong sandamukal ang problema sa PNP. Isa na rito ang kakulangan sa baril at ang gasolina para sa sasakyan. Paano makareresponde ang mga pulis gayong salat sila sa kagamitan. O kung magkaroon man ng kagamitan ang mga pulis, hindi kaya panibagong "source" ito ng gagawin nilang pangungurakot. Hindi kaya bago sila magbigay ng tulong ay kailangan munang "maglagay". Mas makabubuti sigurong linisin muna ang PNP.

vuukle comment

AYALA-ALABANG CENTER

CLAUDINE

CLAUDINE FELICIANO

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with