Isang araw tumawag sa akin si Joey at sinabing hindi siya makauwi dahil mayroon daw silang bibisitahing project sa Olongapo.
Kinutuban po ako kayat umarkila ako ng taksi at sinundan ko ang lakad ni Joey. Hindi po siya sa Olongapo tumuloy kundi sa Tagaytay kasama ang isang babae na sinundo niya sa isang opisina. Nang marating namin ang hotel sa Tagaytay ay hindi na ako makapaghintay pa. Nang buksan ng room boy ang kanilang kuwarto ay nakita ko si Joey at ang babae na naghahalikan. Nag-eskandalo ako at binalaan ko si Joey na kakasuhan ko siya ng concubinage. Sabi ni Joey wala akong tuwirang batayan para gawin iyon.
Tama ba si Joey? Maaari ko ba silang idemanda? Maaari ko bang gamitin ang karanasan na iyon para makipaghiwalay sa kanya? - Noemie Azarcon, Project 8, Quezon City.
Tama ang iyong asawa. Hindi mo siya maaring sampahan ng concubinage dahil ito ay maaaring magawa lamang sa tatlong paraan: 1.) Pagkakaroon ng isang kabit sa conjugal dwelling; 2. Pakikipag-talik sa ilalim ng eskandalosang sirkumstansya sa isang babae na hindi niya asawa; at 3.) Pakikipag-sama sa isang babae na hindi niya asawa, bilang mag-asawa.
Kayat walang concubinage kapag ang lalaking may-asawa ay nahuling nakikipag-halikan sa isang babae na hindi niya asawa sa isang hotel.