Kinakailangan pa ring mag-ingat ang taumbayan sa pagbili ng karneng baka sa kabila ng pagpigil ng pamahalaan sa pag-angkat nito mula Ireland. Diumanoy kontaminado ito ng mad cow disease. Kamakailan ay dumating ang pitong trak ng karne mula sa nasabing bansa. Kayat nagbigay ng direktiba ang Department of Agriculture na ibalik muli ang mga ito sa pinagmulang bansa. Ang gastos dito ay babayaran ng nag-angkat sa paglabag nito ng ban order.
Sa kabila na isinasagawa na ng pamahalaan ang kaseguruhan ng kalusugan ng mamamayan, pinapayuhan ko pa rin ang lahat na maging maingat sa pagbili ng karne ng baka. Hinihikayat ko rin ang ating mga lokal na opisyales na tumulong sa pagbabantay sa mga palengke upang walang makapuslit na ipinagbabawal na karne.
Sampung araw ang ibinigay ng Supreme Court sa mga rallyist upang makagawa ng desisyon sa isyung isinampa rito, kung sino talaga ang lehitimong Presidente ng bansa. Kaya patuloy ang pagbabantay ng taumbayan sa maaring maging desisyon nito. Nagkalat ang mga text messaging sa maaaring desisyon ng Supreme Court ngunit ang mamamayan ay hindi na natitinag sa ganitong mga balita. Ang tiwala at suporta sa ating presidente ay ibinigay na ng buong puso at isipan. Ang buhay ng ating mga kababayan ay nagpapatuloy muli sa bagong pag-asang isinasagisag ng ating kasalukuyang administrasyon. Pati ang komunidad ng mga bansa, ipinapabatid ang kanilang buong suporta sa bagong administrasyon at kinilala ang kapangyarihan ng mamamayang nagluklok sa puwesto. Hinangaan at pinarangalan din tayo ng buong mundo sa mapayapang rebolusyon na ating ipinamalas sa EDSA 2.
Suportahan na lamang natin ang kasalukuyang administrasyon upang ang ating bayan ay sumulong na sa kaunlaran.