^

PSN Opinyon

Ilang natatanging landmarks

-
Ang Intramuros na tinaguriang Walled City ng Maynila ay pinlano ni Miguel Lopez de Legaspi, ang kauna-unahang gobernador nang sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas. Nang namatay si Legaspi noong Agosto 20, 1571, ang kanyang bangkay ay inilibing sa Simbahan ng San Agustin na nasa Intramuros. Ang Manila Cathedral, na nasa Intramuros din ay plano rin ni Legaspi. Ito’y itinayo at natapos noong 1593. Ang kauna-unahang pari rito ay si Diego Vasquez de Mercado.

Isa sa mga pinaka-matandang Spanish settlement ay ang Lalloc sa Cagayan Valley na tinaguriang dioecesis ng Nueva Segovia. Bukod dito ay napabantog din ang mga Arsobispado ng Cebu, Maynila at Nueva Caceres sa Naga, Camarines Sur na malapit sa Mayon Volcano ang world’s most perfect volcanic cone. Ang Mayon ay nagkaroon ng 50 pagsabog at ang pinakamatinding eruption ay noong unang araw ng Pebrero 1814. Mahigit 12,000 tao ang namatay at tanging ang kampanaryo ng simbahan ng Cagsawa ang hindi nalubog sa lava na ibinuga ng bulkan. Isa pa ring makasaysayan bulkan ay ang Taal Volcano na nagtala rin ng 45 bayolenteng pagsabog.

Ang matatandang bahay-Kastila sa Vigan, Ilocos Sur ay patuloy na dinadayo at hinahangaan ng mga turista. Kamakailan ay pinarangalan ang Vigan bilang World Heritage Site.

Ang pinakamatandang Unibersidad sa Asia ay ang University of Santo Tomas na itinatag noong 1611. Ito’y 25 taong matanda sa Harvard University sa USA. Bukod sa UST, isa pa ring alma mater ng bayaning si Jose Rizal ang Ateneo de Manila na nagsimula bilang isang Public Primary School noong 1859.

ANG INTRAMUROS

ANG MANILA CATHEDRAL

ANG MAYON

BUKOD

CAGAYAN VALLEY

CAMARINES SUR

DIEGO VASQUEZ

HARVARD UNIVERSITY

ILOCOS SUR

LEGASPI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with