Matapos ang isang taong kontrata, nagpatuloy pa rin silang magtrabaho ng dalawang buwan pa. Pagkaraan nito, silay tinanggal na. Kaya nagdemanda ang dalawa. Ilegal daw ang pagkakatanggal sa kanila. Sinabi naman ng kompanya na itoy hindi ilegal sapagkat isang taon lang ang kanilang kontrata at itoy natapos na. Bukod dito, silay mga project employee lamang at tapos na ang proyekto kaya silay maaari nang tanggalin. Tama ba ang kompanya?
Mali. Nang pinapirma sila sa kontrata, siyam na buwan na silang nagtatrabaho kaya silay naging regular na empleyado na sapagkat lampas na ito sa anim na buwan na probationary employment. Ang pagpapapirma sa kanila ng kontratang pansamantala lang ang pagtatrabaho nila at magtatagal lang ito ng isang taon ay kahina-hinala. Itoy lihim na paraan lang ng kompanya upang labagin ang karapatan ng dalawa bilang regular na empleyado na. Hindi rin project employee ang dalawa sapagkat noong nagsimula sila, hindi ipinabatid sa kanila ang proyektong pagtatrabahuhan nila at kung gaano katagal ang proyektong ito. Matapos lamang ng siyam na buwan noong itoy ipabatid sa kanila kung kailan nga pinapirma pa sila ng isang kontrata. Regular na empleyado na sina Minda at Rita. Ang pagtanggal sa kanila sa trabaho ay ilegal. Dapat silang ibalik sa puwesto at bayaran ng lahat ng kaukulang suweldo. (Philex Mining vs. NLRC et. al. G.R. No. 125132 August 10, 1999)