^

PSN Opinyon

Pebrero: Buwan ng puso

-
Ang Pebrero ay buwan ng puso. Ito ay upang ipaalala na dapat nating pag-ukulan ng pansin ang ating puso na batayan ng buhay. Kapag tumigil na ang pagtibok ng puso nangangahulugan ito ng wakas.

Iisa lang ang puso kaya dapat alagaan at pakaingatan, ayon sa bantog na internist-cardiologist na si Dr. Miguel "Resty" Cornejo na madalas namang panauhin sa public service TV show ‘‘Mahal."

Sinabi ni Dr. Cornejo na ang pagkakaroon ng high blood pressure ay pangunahing dahilan ng sakit sa puso at pagkakaroon ng stroke. Ilan sa mga sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa puso ay ang paninigarilyo, sobrang taba o pagiging overweight, family history of heart diseases, diabetes at sakit sa kidney, sobrang pag-inom ng alak, high serum cholesterol level, stress and sedentary lifestyle.

Ayon pa kay Dr. Cornejo dapat na ihinto ng mga naninigarilyo ang bisyong ito dahil sa masamang dulot nito sa katawan. Ang sobrang pagtaba ay dapat iwasan. Ipinapayo niya ang mga tamang pagkain at pag-e-exercise na dapat na isangguni muna sa doktor gaya ng pagdya-jogging na hindi ipinapayo sa lahat dahil masama ito sa mga may sakit sa puso. Nilinaw ni Dr. Cornejo na dapat ding iwasan ang pagsi-self medicate. Inihalimbawa niya na ang gamot ni Juan ay hindi dapat na gamot ni Pedro. Dapat na kumunsulta sa doktor para maiwasan ang anumang masamang dulot nito. Binigyan-diin ni Dr. Cornejo na dapat pangalagaan ang puso at dapat tayong magkaroon ng healthy lifestyle.

ANG PEBRERO

AYON

BINIGYAN

CORNEJO

DAPAT

DR. CORNEJO

DR. MIGUEL

IISA

ILAN

PUSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with