^

PSN Opinyon

2 kompanya, nagla-lobby para ang 'manok' nila ang maging Agriculture Sec.

-
ALAM n’yo bang nagla-lobby ngayon sa Malacañang ang dalawang malaking kompanya para ang kanilang manok ang maging Agriculture Secretary?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rep. Rolex Suplico ng Iloilo; Bien Maglacas ng Marikina City at Carlo Cepeda ng MBC.

Congratulations kay Defense Sec. Eduardo Ermita.

Binabati ko rin sina Rep. Willy Villarama ng 2nd Dist., Bulacan; VW Gen. Lucas Managuelod, Amb. Tony Abacan ng Metrobank; Agnes Caballa ng US Embassy at Manay Gina de Venecia.
* * *
Alam n’yo bang matindi ang labanan ng mga kandidato sa pagiging Secretary ng Department of Agriculture?

Ito ay labanan naman ngayon ng mga negosyanteng lumahok sa People Power 2 at sa mga taong sumuporta kay President Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa aking bubuwit, mahigpit ngayong nagla-lobby ang RFM Corporation at ang Vitarich para maluklok ang kanilang manok sa Department of Agriculture.

Di ba magkalaban ang mga ito sa negosyo?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang minamanok pala ng RFM Corporation para maging Agriculture Secretary ay isang kongresista. Ito ay lider at sectoral representative ng mga magsasaka. Ito ay si Rep. Leonardo Montemayor.

Sa kabilang dako, ang minamanok naman ng mga taga-Vitarich ay si Mr. Lito Sarmiento.

Bakit kaya mahigpit ang labanan ng RFM at Vitarich? Ano kayang mina meron diyan sa Department of Agriculture?

Madame President Gloria Macapagal-Arroyo, para mas maganda ang takbo ng Department of Agriculture, dapat siguro ay kumuha na lang kayo ng career officer diyan sa naturang departamento. Hindi n’yo na tuturuan pa kung ano ang gagawin at tataas pa ang moral ng mga opisyal at empleyado. Di ba Ka Inggo?

AGNES CABALLA

AGRICULTURE SECRETARY

AYON

BIEN MAGLACAS

CARLO CEPEDA

DEFENSE SEC

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

VITARICH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with