Kaya isang buwan pa lamang ay nagkasakit na si Doming. Nagpatingin siya sa doktor nang dumaong ang barko nila. Ngunit hindi ibinigay sa kanya ng doktor ang resulta ng eksaminasyon at sinabing sa kapitan na lang niya ito ibibigay.
Pagkabalik niya sa barko, inabisuhan na lang siyang tumiwalag na sa trabaho at pinababalik sa Pilipinas. Lumabas sa log book ng barko na ang ginawa ng kapitan ay kusa at pumayag siyang magbitiw.
Dahil nga hindi ito totoo, nagdemanda si Doming pagbalik sa Pilipinas. At siya naman ay nanalo. Pinagbayad ng Philippine Overseas Employment Administration ang kompanya ng barko ng halagang $5,100.00, ang suweldong dapat matanggap niya sa nalalabing panahon ng kontrata. Kinuwestiyon ito ng kompanya. Ayon daw sa batas, ang dapat bayaran kay Doming ay alinman sa dalawa: Yung suweldo niya sa natitirang panahon ng kontrata o tatlong buwan suweldo bawat taon ng nalalabing kontrata, alinman ang mas mababa. Dahil mas mababa ang tatlong buwang suweldo, ito lang daw ang dapat bayaran nila ayon sa batas. Tama ba ang kompanya?
Mali. Ang probisyon ng batas na ito ay gagamitin lang kung ang kontrata ni Doming ay lampas ng isang taon. Itoy makikita sa katagang ginamit ng batas mismo ng nagsasaad na sa bawat taon ng nalalabing kontrata" pakaraan ng katagang tatlong buwang suweldo." Kaya gagamitin lang basehan ang tatlong buwang suweldo kung ang kontrata ay hindi sa isang taon.
Sa kaso ni Doming, ang kontrata niyay 10 buwan lamang, wala pang isang taon. Kaya tama lang na bayaran siya ng buong panahong nalalabi pa sa kanyang kontrata (Marsman vs. NLRC et. al. G.R. No. 127195 August 25, 1999).