Pagkaraan ng ilang taon ay nagkaroon pa ng jeep ang tiyuhin na laging dinadala sa pagdalaw sa nayon. Lalo nang humanga ang pamangkin at nagpasyang maging isa ring ahente.
Kaya nang magtapos ito sa high school ay nagpresinta sa isang bahay kalakal para maging ahente.
Natanggap naman ito at binigyan ng pagsubok. Ang kompanya ay nagbebenta ng vacuum cleaner. Ang hamon sa kanya ay makapagbenta ng isang vacuum cleaner sa nayon at tanggap na siya sa kompanya.
Alam ng bata na kaya niyang magbenta. Taga-nayon siya kaya walang duda na kakagatin ito ng mga taga-nayon. Pinili niya ang may pinaka-malaking bahay sa nayon. Mukhang may kaya at magagamit ang vacuum cleaner.
Maganda ang pasakalye niya sa babaing may-ari ng bahay.
Misis isasabog ko po ang kalahating sako ng alikabok sa inyong sala. Ngayon ay ipakikita ko ang kakayahan ng vacuum cleaner. Siguradong hahanga kayo sa galing at bibili kayo sa akin, masiglang paliwanag ng batang ahente.
Eh, kung hindi masipsip lahat ang dumi? tanong na mahinahon ng babae.
Naku, imposible po iyon. Bawat matirang dumi ay kakainin ko, mayabang na sagot ng bata at saka pinaandar ang vacuum cleaner. Aba, bakit ayaw umandar?
Nakangiting sumagot ang babae, "Kasi brown out ngayon. Wala kaming koryente!