^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Name-droppers na naman

-
Ang Estrada administration ay hindi lamang sa jueteng scandal at sa impeachment trial lubusang sumikat. Sa administrasyon ding ito nagsulputan ang napakaraming name-droppers. Marami ang gumamit sa pangalan ni Estrada para makaangkin ng kapangyarihan na ginamit naman sa kawalanghiyaan. Santambak na kaibigan at kamag-anak ni Estrada ang gumamit ng kanyang pangalan para makakuha ng pabor, posisyon at kontrata sa gobyerno.

Napatalsik si Estrada at marami ang naghahangad ng pagbabago sa administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Maraming inaasahan ang taumbayan lalo na ang mga nagdagsaan sa EDSA para sa People Power 2 na malilinis ang gobyernong dinumihan ni Estrada. Maski ang mga name-droppers ay pinangarap na mawawala sa gobyerno ni GMA. Subalit mahigit isang linggo pa lamang ang gobyerno ni GMA ay may nababanaag nang naghahari-harian at parang mga langaw na ang tingin sa sarili ay mas malaki pa sa tinuntungang kalabaw. Balik uli sa masamang gawi?

Isang halimbawa rito ay ang ginawang katarantaduhan ng dating aktor na si Jovit Moya sa Ninoy Aquino International Airport noong Miyerkules ng umaga. Si Moya, isang pulis Maynila, ay security aide ni Edgardo Manda ang bagong appoint na NAIA general manager. Nagwala si Moya makaraang patigilin para sa routine inspection ng mga security guard doon ang Mitsubishi Strada ng general manager. Bumaba umano si Moya at minura ang dalawang guwardiya. Sinabi nitong kay Manda ang kotse at binantaang sasagasaan ang dalawang guwardiya kapag ginawa uli iyon. Ipinalista pa umano ni Moya ang plate number sa dalawang guwardiya para hindi malimutan. Nagpaliwanag ang mga guwardiya subalit hindi pinakinggan ng mayabang na si Moya.

Isa pang name-droppers ang gumawa ng eksena sa airport din ng sumugod ang isang Capt. Fredelito Juane, isang piloto, sa opisina ni Air Transportation Office chief Jake Ortega at pinababakante na nito ang puwesto. Sinabi ni Juane na ipinadala siya ni dating Tarlac Rep. Jose "Peping" Cojuangco para mag-take over doon. Itinanggi naman ni Cojuangco na ipinadala niya roon si Juane.

Nagsawa na ang taumbayan sa mga matatakaw sa kapangyarihan na umaastang kayang-kaya nila ang sinuman. Isinuka na ang mga ito at hinusgahan sa EDSA, bakit may sumusulpot na naman sa bagong administrasyon. Lipulin ang mga mayayabang na name-droppers!

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ANG ESTRADA

COJUANGCO

EDGARDO MANDA

FREDELITO JUANE

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JAKE ORTEGA

JOVIT MOYA

MITSUBISHI STRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with