Hanapin si George Tang!
January 26, 2001 | 12:00am
Dapat sigurong hanapin at gisahin ng administrasyon ni Presidente Arroyo si George Tang dahil ‘‘dummy’’ umano ito ng mga samu’t saring negosyo ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Panfilo Lacson at ilan pang opisyal ng pulisya.
Kung makipag-cooperate itong si Tang, sigurado akong milyun-milyon ang mababawi ng gobyerno at makakatulong ito para nga magkaroon ng pondo ang bangkaroteng pamahalaan na iniwanan ni Estrada. Sinabi ng aking espiya na ang opisina ni Tang ay matatagpuan sa likod ng bumbero sa Binondo, Manila sa building na dating inuokopa ng pahayagang Manila Times.
Ang iba pang opisyal ng pulisya na tinatayuang dummy ni Tang, anang aking espiya ay sina Deputy Director General Jewel Canson, ng National Drugs Enforcement of the Philippines (NDEP) at Senior Supt. Michael Ray Aquino, ang dating deputy ng Intelligence Group ng PNP. Si Canson ay isa sa anim na opisyal ng pulisya na malapit kay Lacson na nag-leave of absence samantalang si Aquino ay nawawala pa hanggang sa ngayon.
Sinabi ng aking espiya na weekly kung magpunta itong si Lacson, Canson at Aquino sa opisina ni Tang para magkuwenta ng kanilang parte sa kanilang lihim na negosyo.
Si Lacson pala ay ginamit na ‘‘dummy’’ si Tang sa dalawang outlet ng Jollibee foodchain samantalang si Canson ay dalawa rin at si Aquino naman ay isang outlet lamang. Hindi lang masabi ng aking espiya kung saan matatagpuan itong mga outlets ng Jollibee nina Lacson, Canson at Aquino. Tuwing katapusan naman umano ng buwan kung magpartihan ng kanilang share itong tatlong opisyal ng PNP at si Tang. Dumarating itong si Lacson, Canson at Aquino sa naturang opisina sakay ng isang itim na Expedition. Wala silang dalang drayber. Ang mga lakad ng tatlong pulisya tulad sa abroad, out of the country at mga kainan sa labas tulad ng restaurants at hotels ay doon nila pinababayaran kay Tang, anang aking espiya.
Kung noong panahon ang franchise fee ng Jollibee ay umaabot sa P12 milyon siguro sa ngayong panahon mas mataas pa. Ang tanong ngayon ng karamihan sa aking mga nakausap, saan kinuha ng tatlong opisyal ng pulisya ang perang ginamit bilang franchise fee. Kung legal naman ang lakad ng tatlo, bakit ginamit pa nila si Tang na dummy para hindi sila mabisto?
Sa tingin ko naman, baka hindi rin legal ang lakad nitong si Tang at ang legal na negosyo nga ng tatlo ang siyang tinatawag na ‘‘padulas?’’ Maraming tanong at wala namang tamang kasagutan dahil hindi pa naimbestigahan itong si Tang.
Wala akong away sa tatlong opisyal ng PNP. Pero panahon na para mabulgar ang mga kabuktutan ng administrasyon ni Erap para malaman ng sambayanan ang katotohanan, di ba?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest