Inanod ang kotse

Ang letter ay galing kay Manuel Tolentino ng Tarlac, Tarlac.

Dinayo po namin ng aking girlfriend ang isang hotel/restaurant dito sa Timog Ave. Hindi po namin napansin ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan habang kami ay kumakain ng lunch. Ilang sandali ay nakita namin ang waiter na may hawak-hawak na ‘‘white board’’ at nakasulat ang plate number ng aking kotse. Nang tanungin ko kung ano ang problema, sinamahan po ako ng waiter sa parking lot at nakita ko na lamang na inaanod na pala ng tubig-baha ang aking kotse. Galit na galit po ako dahil hindi man lamang ako pinagsabihan kaagad, sana ay nailipat ko ng parking area ang kotse.

Ito po ang kauna-unahan kong kotse at gusto kong managot ang management ng hotel/restaurant subalit ayaw nila itong panagutan. Insured naman daw ang aking kotse. Subalit ayaw naman pong panagutan ng insurance ang kotse dahil ang nangyari raw po ay ‘‘work of nature.’’

Maaari ko bang idemanda ang management ng hotel/restaurant? May katwiran po rin ba ang insurance na hindi sagutin ang pagpapagawa ng aking kotse?


Depende. Maaari mong idemanda ang management ng hotel/restaurant kung ang kotse mo ay naka-park sa parking area ng sinabing hotel/restaurant. Ang hotel-keeper ay mananagot sa mga kotseng ideneposit sa kanilang lugar (Art. 1999, CC). Ngunit kung ang kotse mo ay naka-park sa main road ng Timog Avenue, hindi mo mapapasagot ang hotel/restaurant sa nangyari sa kotse mo.

Ang tungkol sa insurance naman ng kotse, kailangang basahin mo ulit ang policy contract ng iyong kotse kung covered nito ang ‘‘acts of god’’ clause gaya ng bagyo, baha, sunog at iba pang kalamidad dahil kung hindi, ang insurance ay hindi mananagot.

Show comments