KRUSADA - Lumiliwanag ang kaso
January 14, 2001 | 12:00am
Araw-Araw ay may bagong drama sa impeachment court ng Senado.
Noong Lunes, tila minalas na naman ang depensa sa paglabas ng isa pang testigong kikilala sa ilan pang mga taong sangkot sa anomalyang hinaharap ni Erap. Lumalabas sa mga ipinahayag ng testigong si Caridad Rodenas na pawang mga may kaugnayan kay Charlie Atong Ang, ang mga taong diumanoy nag-withdraw ng malalaking halaga ng pera sa Shaw Boulevard branch ng Landbank, na kung saan ay nagtatrabaho bilang assistant cashier si Rodenas.
Sa animoy pagtangka ng depensa na sirain ang kredibilidad ng testigo, tila nabaligtad na naman ang sitwasyon para sa mga abogado ni Erap, lalo na kay Atty. Sigfried Fortun, nang hindi matukoy ng testigo kung nasaan si Delia Rajas sa loob ng Korte. Ayon kay Rodenas, si Rajas ay isa sa mga taong kumuha ng pera sa nasabing banko. Tila naging katawa-tawa pa ang nangyari nang hindi matukoy ni Rodenas kung nasaan si Rajas sa loob ng Korte. Sa halip ay pinagalitan pa ng mga senador ang kawawang abogado dahil sa intensiyon nito umanong lokohin ang testigo, at ang buong senado na rin, sa kabuuan.
Bagamat nanganganib na makasuhan ng contempt of court si Fortun, iginiit pa rin nito na ang intensiyon sa pagkilala sa tunay na Delia Rajas sa loob ng hukuman, bagamat wala naman daw ito sa nasabing lugar, ay upang matiyak ang kredibilidad ng testigo. Ngunit tila huli na ang lahat sa pagbibigay ng mga paliwanag para kay Fortun, at marahil para na rin sa depensa. Sa naganap na kapalpakan sa panig ng depensa sa kabila ng pagmamalaki nitong maglalabas sila ng isang bombang sisira sa anumang paratang mula sa kabila, tila naging pabor pa ngayon sa prosecution ang pagsabog ng bomba sa kamay ng depensa.
Dahil dito tila lalong lumilinaw ang kaugnayan ni Atong Ang sa iskandalong nabanggit. Bunga nito, lumalakas at tumitibay ang mga pahayag ni Gov. Chavit Singson laban kay Erap at kay Atong. Tinukoy ni Singson si Atong bilang taga dala ng pera kay Erap mula sa diumanoy mga kickback mula sa tobacco excise tax. Anuman ang uri ng pagtatanggol na gagawin para kay Erap lumiliwanag na sa taumbayan ang malawakan at lantaran nitong panlilinlang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended