Iyan ang katiyakan ng Malacañang. Iyan ang unang major statement na inihayag ng bagong little president sa Malacañang na si Edgardo Angara.
As you know, pormal nang pinanumpa sa tungkulin ni President Estrada si Angara bilang Executive Secretary, kapalit ni Ronnie Zamora na nagbitiw bilang paghahanda sa kanyang kandidatura.
Ani Angara, ito raw ang pangako sa kanya ng Metro Manila Development Authority sa pangunguna ni Chairman Jejomar Binay.
Pero I take that "assurance" with a grain of salt. Kung ilang dekada na iyang problema sa basura pero hindi malutas-lutas. Ibig bang sabihiy may ready solution na na tatapos sa problema in 10 days?
Hindi kailangan ng tao ang pangako. Ang kailangan ay aktuwalisasyon ng pangako.
Gaya na lang ng sinabi ni Presidential Flagship Project Chief Robert Aventajado na plantsado na ang lahat para ang Semirara island sa Antique ay gawing tambakan ng basura mula sa Metro Manila.
Yun palay walang isinagawang public hearing para kunin ang pagsang-ayon ng mga kababayan natin diyan sa Antique. Kaya ngayoy may TRO ang Korte at nananatiling naka-tengga ang tone-toneladang basura na isinakay sa mga barges para itambak sa landfill diyan sa Semirara.
At hindi masisisi ang mga tao na magprotesta. Sino nga ba ang papayag na ang lugar na pinananahanan niya ay gagawing tambakan?
Matutuwa ka ba kung ang kapitbahay moy magtapon ng kanyang dumi sa iyong bakuran?
Ang hindi ko kasi maunawaan sa Clean Air Act ay kung bakit bawal ang incinerator na siyang pinaka-praktikal na paraan para malutas ang garbage problem.
Ikinakatuwiran ang "pollution" o usok na idudulot ng pagsusunog sa mga basura.
Pero ano kaya ang higit na masama, ang usok o ang mga mikrobyong nagdadala ng sakit mula sa mga hindi nahahakot na basura? Isa pa, kahit sa mga mauunlad na bansay ginagamit ang ganyang sistema ng incineration.
We cannot have best of both worlds. Somehow, piliin natin ang lesser evil.
Kunwariy may Clean Air Act tayo pero palala rin naman nang palala ang problema sa air at water pollution.
Kunwariy ipinagbawal na ang leaded gasoline pero hanggang ngayoy naririyan pa rin ang mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok.
Usok sa hangin, maruming tubig, mikrobyo sa basura. Iyan ang bumabalot ngayon sa ating lipunan kaya maraming dinarapuan ng sakit.