^

PSN Opinyon

Congressman na di-nagsusustento sa anak, me chiching na naman

-
Alam n’yo bang may bago na namang chiching ang isang congressman na hindi nagbibigay ng sustento sa kanyang anak?

Ayon sa aking bubuwit, noong nakaraang December 23 araw ng Sabado, dakong alas-4 ng hapon ay nakita niya itong si congressman na ka-date ang bagong chiching. Sila ay namimili ng gamit sa Sony appliance store sa second floor ng Filinvest Mall sa Muntinlupa City.

Ano ba ang binili mo, Congressman para sa bago mong chiching? Bagong TV set ba o stereo?

Walanghiya ka! Panay ang bili mo ng gamit para sa bago mong chiching samantalang hindi ka man lang makapagbigay ng panggatas sa anak mong babae sa Marikina City?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang nasabing chiching ni Congressman ay morena at paga-trenta’y anyos na.

’Yung dating chiching ni Congressman na na-asembolan niya ng baby girl ay mas maganda. Ito ay paga-betty anyos lang at saka mestisa.

Ayon sa aking bubuwit, itong bagong chiching ni Congressman ay naka-suot ng pantalong maong at t-shirt nang makita niya noong Sabado. Si Congresman naman ay nakapang-casual lang. Very sweet ang dalawa.

Ang congressman na may bago na namang chiching na ibinili pa ng mga kagamitan sa Filinvest Mall, Muntinlupa City ay si Congressman…

Teka, happy birthday muna kay Ka Erdie Manalo ng Iglesia ni Cristo at Marissa Adan Bauson.

Binabati ko rin sina Dr. Antonio Vertido, Medico Legal Officer ng NBI sa Regional IV; Teddy Carandang ng Suzuki; Caloy Godarama ng Napocor at si Efraim Genuino.

Ayon sa aking bubuwit, ang congressman na kumuha na naman ng bagong chiching samantalang hindi nagbibigay ng sustento sa anak niya sa labas ay si Congressman P.F. as in Pakasta-kasta Fa siya.

vuukle comment

AYON

CALOY GODARAMA

CHICHING

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN P

DR. ANTONIO VERTIDO

EFRAIM GENUINO

FILINVEST MALL

KA ERDIE MANALO

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with