Mali si Narvasa. Kung ma-convict si Erap sa impeachment trial, sibak lang sa puwesto ang pinakamabigat na parusa. Kasi, political proceedings nga. Iba ang usapan kung kakasuhan siya ng economic plunder sa Korte. ’Yun ang criminal proceedings. Lethal injection ang parusa. Pinaka-mababa, habambuhay sa kalaboso.
Mabigat ang kasong plunder. Sakop nito ang mahigit P50-milyong nakaw. E sa jueteng pa lang, P445 milyon na ang sabit ni Erap. Sa pagbulsa ng tobacco excise taxes, P130 milyon. E yung bilyong-pisong kickback pa sa paggamit ng pera ng SSS at GSIS para bilhin ang Equitable and PCI Bank. At bilyong-piso rin nang bilhin ng First Pacific ang PLDT. Ibinulgar na ni Clarissa Ocampo ang P500-milyong ‘‘pautang’’ ni Erap, alyas ‘‘Jose Velarde,’’ mula sa P1.2-bilyong deposito sa Equitable-PCI.
Walang bail sa kasong plunder. Hindi makapag-pipiyansa si Erap habang nililitis. Baka madawit din ang mga anak na sina Jinggoy at Jude. Kasi pumarte rin sa jueteng at tobacco tax. Sa city jail sila sisimutin.
Naku, paglalaruan ng mga preso sina Erap, Jinggoy at Jude. Pati na rin malamang ang mga kasabwat na sina Atong Ang, Jaime Dichaves, Anton Prieto, Sel Yulo at George Go. Siyempre, dahil VIP kuno sila, paglilinisin ng kubeta, pagwawalisin ng selda, paglalabahin ng damit. Taga-timpla ng kape, taga-paypay sa gabi, taga-masahe ng bastonero.
Heto ang pinaka-masaklap. Mag-ingat dapat sila sa pagligo sa city jail. Kung mabitawan ang sabon, pabayaan na lang. Huwag nang pulutin. Kapag nagkataon, disgrasyada.