^

PSN Opinyon

Lasing si Erap nang pirmahan ang promotions ng 3 general

-
Binabati ko ng Manigong Bagong Taon ang tatlong bagong heneral na Philippine National Police (PNP).

Maaaring wala nang magugulat sa balitang pag-promote sa tatlo dahil usap-usapan ito sa Camp Crame at mga istasyon ng pulisya sa Metro Manila, maging sa probinsiya.

Sari-saring kuru-kuro ang nakalap natin at gusto ko namang ibahagi sa sambayanan para sila na nga ang maghusga kung may favoritism na nangyari sa kasong ito.

Dandandyaran!! Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa para pangalanan ang tatlong bagong heneral ng PNP. Sila ay sina Chief Supt’s. Magtanggol Gatdula, Cesar Mancao at Michael Ray ‘‘Ninoy’’ Aquino, lahat ay mga ‘‘bataan’’ ni PNP Chief Director General Panfilo Lacson. Ang tatlo ay naka-assign sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

Ayon sa aking espiya, itong si Ninoy mismo ang nagsubo ng promotion papers ng tatlo kay Presidente Estrada noong kalagitnaan ng Nobyembre. Lasing umano si Erap noon dahil sa impeachment trial niya at hindi niya nakuhang basahin ang papeles ng kanyang pirmahan, anang aking espiya. Kung sabagay, hindi nag-usisa si Erap dahil inaanak niya si Ninoy.

Pero, kahit pirmado na ang mga papeles ng tatlo, nabinbin pa sa kasalukuyan ito sa Malacañang dahil baka nga magkagulo at madagdagan ang demoralisasyon sa hanay ng pulisya pag lumabas ito.

Kaya para hindi mapahiya, minabuti ng Malacañang na upuan na lamang ang papeles ng tatlo.

Ang usap-usapan ngayon sa Crame ay hahadlangan ng mga senior at junior officers ng pulisya ang promotion ng tatlo. Aaklas sila para lang ipakita kay Lacson na hindi makatarungan ang ginagawa niyang pag-promote sa mga bataan niya.

Kaya pala gustong ma-promote ni Ninoy ay dahil hinahabol niya ang mataas na puwesto ang intelligence group ng PNP. Sa kasalukuyan, si Ninoy ang umuupong deputy dito.

Hindi ko abot kung ano ang balak nina Mancao at Gatdula. Pero sinisiguro ng aking espiya na gusto rin nilang makaporma sa darating na rigodon sa PNP sa Enero 15. Payo lang mga ’igan. Huwag n’yo ng ipilit ang gusto n’yo. Mahiya naman kayo!

CAMP CRAME

CESAR MANCAO

CHIEF DIRECTOR GENERAL PANFILO LACSON

CHIEF SUPT

ERAP

KAYA

NINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with