Plaza Miranda noon, Metro Manila ngayon ?
January 1, 2001 | 12:00am
‘‘Pisting gubyerno ini’’ bulalas ng barbero kong si Dudong.
‘‘Oh, bakit mainit yata ang ulo mo?’’ tanong ko sa kanya.
‘‘Eh kase nagpapakulu na naman itung si Irap. Para maka-ewas sa empetsment, gusto yatang mag-declare ng martial law,’’ sagot ni Dudong.
Nagre-react si Dudong sa limang halos magkakasabay na bombahan sa magkakahiwalay na parte ng Metro Manila kamakalawa na ikinasawi ng katorse katao at malubhang ikinasugat ng marami pang iba.
‘‘Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Jumping to conclusion ka eh wala ka namang ebidensya,’’ ika ko.
‘‘Basta, lumang estelo na iyan. Kumita na iyan kay Makoy. Di ba bago siya mag-declare ng martial law noong 1972, benomba muna ang poletekal ralle sa Plaza Miranda?’’ tugon ni Dudong.
‘‘Pareng Dudong, hangga ngayon nama’y hindi pa napapatunayan na si Marcos nga ang nagpabomba ng Plaza Miranda. Meron pa ngang ex-NPA member na nagpapatotoong sila ang bumomba noon,’’ ika ko.
Napailing si Dudong at nagwika ‘‘basta hende ako makapanewala na tirorist ang nambumba.’’
‘‘Paanu makakapasuk ang tirorista sa restrekted erya gaya ng NAIA na napakahegpet ng siguredad?’’ dagdag niya.
‘‘Derpor, kong hende pules ang me kagagawan, malamang eh, meletar" aniya pa.
Nakikinig lang ako sa kuwentong barbero ni Dudong habang ako’y ginugupitan. Aniya pa ‘‘Eba talaga yang si Irap. Yung genawang pangongorakut ni Makoy sa loob ng dalawampung taun, dinaig niya sa loob lang ng dalawang taun.’’
‘‘Yong pambobomba sa Plaza Miranda ay ginawa niyang pambo-ong Metro Manela.’’ dagdag niya.
‘‘Eh bakit kung magsalita ka’y parang siguradong-sigurado ka sa sinasabi mo?’’ Tanong ko.
‘‘Pre… ako’y undergraduate ng poletekal sayans. De nga lang ako nakatapus dahel kolang sa pira. Piro kung taleno ang pag-oosapan, I can deal with all kinds of heads,’’ mayabang na sagot ni Dudong.
‘‘Of course, iyan ang trabaho mo bilang barbero. You deal with all kinds of heads,’’ biro ko.
‘‘Kaya huwag nela akong pa-ekuten bekos I know their strategy’’ dugtong ni Dudong.
Doon nagtapos ang huntahan namin ni Dudong. Bagamat mahirap magparatang at mahirap tukuyin kung sino ang utak sa mga karahasang ito, hindi maiwasan iyan ang susuot na hinala sa isip ng mamamayan.
Napipinto nga ba ang panahong kagaya ng paghahari ni Ferdinand Marcos? Abangan ang susunod na kabanata, ngunit sa ating pag-aabang, maging matalino tayo at sagkaan ang ano mang tangkang pagsupil sa demokrasya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended