Malaking subdivision inirereklamo dahil walang tubig at kuryente

Alam n’yo bang mangiyak-ngiyak ngayon ang mga nakabili ng lote at nagpatayo ng bahay sa isang malaking subdivision dahil wala pa rin silang tubig at kuryente?

Ayon sa aking bubuwit, tatlong araw na lang at Pasko na naman. Sana ay mabigyan lahat ng 13th month pay ang mga empleyado.

Happy birthday muna kay dating House Speaker Manong Joe de Venecia; Laguna Gov. Joey Lina; Bishop Deogracias Yñiguez ng Zambales at Dr. Roselyn Dadural.

Happy wedding kina Bill Cullens at Joy Diongson.

Binabati ko rin sina Judge Lucas Bersamin ng QCRTC; Judge Diosdado Peralta, Bro. Tinoy Paragas ng Baguio Lodge at Jojie Co.
* * *
Alam n’yo na ba kung sino ang taong may initials na R.C. sa ledger ni Gov. Luis "Chavit" Singson sa jueteng payola scandal?

Ayon sa aking bubuwit, ang initials na R.C. ay hindi si Sen. Rene Cayetano kundi sa isang kilalang magandang babae.

Initials umano ito ng isang maganda at seksing actress-beauty queen na madalas makasama sa presidential yacht ni President Estrada. Ito ang usap-usapan ng mga tsismosong general.
* * *
Alam n’yo bang galit na galit ang mga nakabili ng lupa sa isang malaking subdivision dahil hanggang sa ngayon ay wala pa silang supply ng tubig at kuryente.

Mantakin n’yo, isang taon nang nakatira roon ang aking mga bubuwit subalit hindi naman sila makatira nang mahusay dahil wala itong tubig at kuryente.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, sinabi na ito sa may-ari at developer ng subdivision subalit hindi naman inaayos. Nadiskubre na may utang pala itong P30-milyon sa electric cooperative. ’Yung water supply naman ay hindi maayos sapagkat sira-sira ang mga tubo ng tubig. ’Yung main line ng tubig ay tumama pa sa poso-negro.

Naku po! Anong klaseng subdivision ito?

Ang ganda-ganda pa naman nung bahay na ipinatayo ng aking bubuwit doon.

Dapat siguro ay maimbestigahan ito ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).

Ang subdivision na walang tubig at kuryente ay ang...

Grand Victoria Estate na pag-aari ng Atlanta Land Corporation sa Cabanatuan City.

Ang may-ari ay si Mr. Richard Tan.

Show comments