Opisyal ng population program: Diabetes ang siyang lunas sa pagdami ng populasyon.
Social welfare officer: Hindi katanggap-tanggap ang iyong mungkahi. Tiyak na tututol ang simbahan.
Anti-graft officer: Ang perang kinurakot ang nakapagpapataba sa tao. Kung mayroon kayong gustong patabain, unahin nyo ang tiwaling pulis at sakim na naniningil ng buwis.
Sakim na maniningil ng buwis: Sandali. Ang pinag-uusapan natin dito ay katabaan at hindi sahod ko. Kung kinakailangan, kaya kong magpapayat, pero hindi kasama ang bulsa ko.
Tiwaling pulis: Huwag nyo akong tingnan. Bilang pulis, kailangan kong panatilihin ang 34-pulgada kong beywang, kung hindi tanggal ako sa trabaho. Aba, malaki yata ang pakinabang ko sa posisyon ko.
Sa Pilipinas, 16 sa 100 Pilipino ang may diabetes at itoy inaasahang dodoble sa susunod na lima hanggang 10 taon. Dapat itong isaisip at kapagdakay pakinabangan ng pamahalaan. Sa halip na patayin ang mga kriminal, bakit hindi na lamang sila pakainin ng mga nakatatabang pagkain at hintayin na magkaroon ng diabetes. Sa ganoong paraan, walang sinuman ang magtatangkang magsabi na minamaltrato ang mga bilanggo. Ang pagpapataba ang siyang pinakamakataong paraan upang linisin ang ating mga lansangan ng mga itinuturing na latak ng lipunan. Iyan ang pinakamasarap na paraan ng pagkamatay ang maging patabain.