^

PSN Opinyon

Radyo Bandido

-
Unang sumikat ang Radyo Bandido noong 1986 people’s power revolution. Nakaukit na sa kasaysayan ng Pilipinas kung ano ang naging papel ng Radyo Bandido noong maghimagsik ang taumbayan laban sa diktadurya ni dating President Ferdinand Marcos. Dahil sa himpilang ito ng radyo, napukaw ang damdamin ng mamamayan at nalaman nila ang panawagan at mga kautusan ng liderato ng rebolusyon. Hindi malalaman ng taumbayan ang kanilang gagawin kung wala ang Radyo Bandido.

Narito na naman ang Radyo Bandido sa gitna ng isa na namang himagsikan, ang pagpapatalsik kay President Joseph Estrada. Binale-wala nito ang sigaw ng bayan upang magbitiw sa kanyang tungkulin. "Hindi ako magre-resign" ang matigas niyang sagot. "Handa akong harapin ang lahat ng mga paratang sa akin sa impeachment trial," sabi ni Estrada.

Matigas ang ulo ng Presidente. Kapal muks, sabi nila. Wala raw siyang kasalanan. Baligtad pa nga. Ang taumbayan ang sinisisi niya sa nakakaawang kalagayan ng bansa. Bubuti raw ang pamumuhay sa ating bansa kung hindi magra-rally at magde-demonstrate laban sa kanya ang ating mga kababayan. Ito ang dahilan kung bakit nagpupumiglas ang damdamin ng taumbayan laban sa kanya. Wala na silang tiwala. Panawagan nila ay bumaba na ito. Kaya lang, pader si Estrada. Nasa kanya ang salapi at kapangyarihan. Ano ang laban ng mamamayan sa lakas niya? Nasa kanya ang government-owned media at malakas ang impluwensiya niya sa iba.

Wala halos mapagbalingan ang mamamayang Pilipino upang maipahayag nila ang kanilang tunay na damdamin at hinaing sa mga masamang nangyayari sa ating bansa. Kung kaya’t natutuwa sila na mayroong isang DZRJ AM at Channel 29 na nagbibigay sa taumbayan ng pagkakataon na maibulalas ang kanilang mga pananaw, kuru-kuro o mga opinion tungkol sa anumang isyu at mga bagay-bagay na nananaig sa kasalukuyan pati na mga reklamo at mga problema nila sa pamahalaan at sa pamunuan nito.

Kahanga-hanga ang katapangan at pagsasakripisyo ni Ramon Jacinto at mga kasamahan niya sa DZRJ at Channel 29. Isa ako sa naniniwala kay RJ sa hangarin niyang makapagsilbi sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng pag-aalay niya ng kanyang radio-TV network, 24 hours nang walang bayad. Si RJ at ang DZRJ ay walang tinatanggap na bayad kung kaya’t kaming mga announcers/anchors niya ay wala ring bayad. Paniwalaan ninyo kami o hindi. Makinig na lang kayo sa DZRJ at malalaman ninyo kung bakit tinatawag ngayon si Ramon Jacinto na "Bagong Bayani."

ANO

BAGONG BAYANI

BALIGTAD

KUNG

PRESIDENT FERDINAND MARCOS

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

RADYO BANDIDO

RAMON JACINTO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with