^

PSN Opinyon

Isang mansiyon, 2,000 pabahay na (1)

-
Ismid niya, inggit lang kayo. Sa totoo, ngitngit tayo.

Paano naman, nitong mga nakaraang linggo, namigay siya ng halos 2,000 land rights sa maralitang taga-lungsod. Rights lang, hindi titulo. Ibig sabihin, pangako lang na balang araw, kung buhay pa tayo, mapapasa-atin ang lupang tinitirikan ng ating barong-barong. Ito’y kung matapos na ang mahabang paglilitis sa Korte o pagpasa ng batas para ipamahagi ang lupa. At matapos din ang matagal na pag-survey at pag-subdivide, pag-develop ng lugar at pagtitulo ng lupa.

Ang masakit pa noon, may goma ang land rights. Pag-alis na pag-alis niya, darating si Barangay chairman at binabawi ang papeles. Kesyo pupunuan pa raw ang mga blanko. Pangako pa lang, binawi na agad.

Tapos mababalitaan nating may tig-isa o dalawang mansiyon pala ang mga kabit ng mama. Mahigit dalawang taon pa lang sa puwesto, 16 na raw ang mansiyon: Lima sa Wack Wack, dalawa sa Forbes Park, dalawa sa New Manila, dalawa sa Greenhills, dalawa sa Tagaytay, isa sa Baguio, isa sa Vista Real, isa sa Cebu. Meron ding dalawang condo: Isa sa Makati, isa sa may Manila Bay. Hindi pa kasama ang unang bahay sa San Juan at kinalakihang bahay sa Pagsanjan.

Saan galing ang pinagpagawa ng mga mansiyon? Ewan natin. Ang tiyak lang natin, ang suweldo niya ayon sa batas ay P650,000 isang taon.

Pero isa pa lang sa limang mansiyon sa Wack-Wack, inabot na nang P400 milyon ang pagpapalaki at pagpapabago. Kung ginamit ang pera sa pabahay ng mahihirap sa halagang P200,000 bawat isa, 2,000 mass housing sana ang naitayo. Isang barangay na sana ng pabahay.

Ganyan kagarbo ang buhay niya. Isang querida lang, katumbas na ng 2,000 maralitang pamilya ang maaaring magkabahay – sana.

Kung sabagay, iba talaga ang buhay niya. Ang paborito niyang red wine, Chateau Petrus, P55,000 isang bote. Katumbas na ng isang taong take-home pay ng isang guro, matapos alisin ang katakut-takot na salary deduction. E, dose-dosena ang itinutumbang bote sa isang gabing laklakan. (Itutuloy)

vuukle comment

CHATEAU PETRUS

FORBES PARK

ISA

ISANG

LANG

MANILA BAY

NEW MANILA

SAN JUAN

VISTA REAL

WACK WACK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with