Kung totoo ang nilalaman ng mga manifesto, ibig sabihin nito may demoralisasyon na umiiral sa PNP at taliwas ito sa mga pronouncements ni Lacson na high morale ang kanyang mga tauhan. Baka naman ang ibig sabihin ni Lacson ay ang mga tauhan niya sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at hindi ang PNP, no?
Sa pahayag naman ni Lacson na hindi siya sangkot sa jueteng, hindi naniniwala ang mga PNP junior officers na nasa likod ng mga manifesto. Ayon sa white paper isang Zubia ang nasa likod ng kabuuang koleksiyon sa jueteng sa buong bansa. Ang tong kolektor naman ng PAOCTF/CIDG at National ay isang Wally Sombrero, anang white paper."
Kinondena rin ang walang kahirap-hirap na pag-promote ni Lacson kina Gen. Twiggy Zubia, Sr. Supts. Nick Bartolome, Michael Ray Aquino, Cesar Mancao, Teofilo Vina at Joel Goltiao at Supt. John Campos.
Anila, si Zubia ay nasa floating status sa loob ng tatlong taon dahil sa kanyang involvement sa Kuratong Baleleng. Nag-resign ito sa serbisyo para tumakbo bilang gobernador sa Aurora province subalit natalo. Sa limang taon na nawala siya sa limelight, na -promote siya una pa sa mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 71 at 72 at integree Class 71.
Pero may isang promotion na napahiya si Lacson, anang white paper." Ito ay ang kay Army Capt. Arnel Jose Morada na miyembro ng PMA Class 91. Si Morada na naka-assign sa PAOCTF ay pina-promote ni Lacson bilang Major.
Kumilos si Gen. Angelo Reyes, AFP Chief of Staff at pinigil ang promotion ni Morada. Nakiusap si Lacson na huwag nang pakialaman ito dahil pirmado na ni President Estrada ang mga papel ni Morada. Subalit ni-revoke ito ni Estrada nang magpaliwanag si Reyes na magdudulot ito ng demoralisasyon sa hanay ng AFP.
Kayo mga kababayan ang maghusga kung sino ang nagsasabi ng totoo sa magkabilang kampo. Mukhang painit nang painit na ang isyu laban kay Lacson sa PNP at sila-sila na mismo ang nagsusuwagan.