Sinasabi na walang nakababatid ng dahilan ng pagkakaroon ng high blood pressure. Sa 90 hanggang 95 porsiyento ng kaso ng mga pasyenteng may karamdamang ganito ay iniuugnay ito sa heredity o namamana, sobrang taba o overweight, sobrang pagkain ng maalat, diabetes, high cholesterol at paninigarilyo. Sa ibang kaso naman ang pagkakaroon ng alta presyon ay nagmumula din sa sakit sa atay, tumor sa adrenal gland at ang pinsalang congenital sa malaking blood vessels gaya ng aorta.
Walang tiyak na lunas sa essential hypertension subalit ito ay makokontrol sa pamamagitan ng diet, exercise, maintenance of a desirable body weight, avoidance of smoking and reduction of excessive alcohol intake. Ang mga may karamdamang ganito na hindi kayang makontrol sa pagtupad sa mga nabanggit na healthy lifestyle practices ay nararapat na magkaroon ng medikasyon para makontrol ang blood pressure nila at para rin maiwasan na magkaroon ng komplikasyon.
Walang ideal na blood pressure at sa kabuuan ang taong may mabuting pakiramdam at mababa ang presyon ng dugo ay malaki ang pag-asa na mabuhay ng matagal, malusog at matiwasay. Ang pagtingin sa blood pressure ay makabubuting gawin sa taong hindi pagod at walang stress o pagkaligalig na nadarama. Ang sobrang physical activity, emotional upset, excessive heat or cold, a full stomach or bladder ay makapagpapataas ng presyon ng dugo.