Mga tamang pagkain
November 15, 2000 | 12:00am
Sinabi ng bantog na inventor na si Thomas Edison, Let your food be your medicine and medicine be your food.
Napakaimportante talaga ng pagkain sa kalusugan ng tao. Ayon sa batikang cardiologist-internist-preventivist na si Dr. Arturo Estuita na nagpasikat ng chelation therapy sa Pilipinas, malaking bagay ang wastong pagkain sa kalusugan. Sinabi niya na hindi importanteng kumain ng mamahaling pagkain lalo na iyong mga imported, ang mahalaga ay mga pagkaing nagtataglay ng tamang nutrients. Ipinapayo ni Dr. Estuita ang pagkain ng green leafy vegetables, sariwang prutas at pag-inom ng gatas lalo na ang mga fresh farm milk.
Ayon kay Dr. Estuita ang pinakamabuting cooking oil ay ang coconut oil. Masustansya ang gata at napatunayan na ang mga taong mahilig sa gulay na may gata lalo na ang mga Bikolano at mga taga-Quezon ay mababa ang bilang ng mga maysakit sa puso. Idinugtong ni Dr. Estuita na ang coconut oil ay mabuti sa puso, iwasan lang itong masunog o over-burned. Ang plant and vegetable oil ay mainam din, gayundin ang seafood oil lalo na ang buhat sa mga isdang salmon at mackerel.
Ang taba ng bangus at aligi ng alimango ay masustansiya at hindi nakakasama sa kalusugan. Pinabulaanan ni Dr. Estuita na mali ang sinasabi na bawal ang aligi ng alimango dahil sa sobrang cholesterol. Sinabi niya na kahit na iyong maysakit sa puso at mataas ang blood pressure ay puwede ring kumain ng aligi.
Nagbabala rin si Dr. Estuita na dapat na maging maingat sa pagbili at pagkain ng karne ng baka. Napatunayan na may mga bakang ininiksiyunan ng steroid at iba pang kemikal.
Binigyang pagpapahalaga ni Dr. Estuita ang bisa ng bawang. Sinabi niya na ang bawang ay gamot sa high blood pressure. Nagpapalakas din ito ng immune system para ang katawan ay hindi agad maigupo ng karamdaman. Ipinapayo niya na kumain ng tamang pagkain, uminom ng gatas at mag-exercise para maiwasan ang pagkakasakit.
Sa mga gustong madagdagan ang kaalaman sa kalusugan at chelation therapy, makipag-ugnayan kay Dr. Estuita sa klinika nito sa 105 Taft Office Center, 1988 Taft Avenue near Sen. Gil Puyat LRT, Pasay City. Telephone numbers 551-0188, 831-6743 at 832-5634.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am