Pumatol sa iba ang misis

Ang letter ay galing kay Mr. Sagittarius ng Caloocan City.

Nagtungo po sa abroad noong 1983 ang aking asawa upang magtrabaho. Halos tatlong taon din siyang namalagi roon at sa loob ng panahong iyon, maganda ang aming relasyon.

Noong Disyembre 1986 umuwi po siya rito sa Pilipinas at ako po ay nanibago sa kanya at lagi na po kaming nag-aaway. Hanggang sa humantong sa hindi maganda at hinamon ako na maghiwalay kami. Umalis siya sa bahay. Ilang beses ko siyang tinangkang kausapin ngunit umiiwas siya.

Hanggang sa may narinig akong balita na may relasyon siya sa aming kakilala at kalugar. Noong 1999 nabalitaan ko na may kinakasama siyang lalaki at nakatira sa isang bahay na nabili niya noong nasa abroad pa. Binili ito nang lingid sa aking kaalaman at ngayon ko lamang nalaman. Bukod sa bahay, mayroon pang isang sasakyan.

Maaari po ba akong magsampa ng demanda laban sa aking asawa at sa kanyang kinakasama kahit hindi sila kasal? Ano pong kaso ang maaari kong isampa at anu-ano po ang mga requirements para rito?


Maaari mo silang sampahan ng adultery. Ang adultery ay ang pagkakaroon ng sekswal na relasyon ng babaing may-asawa sa ibang lalaki na hindi niya asawa, at alam nito na ang babae ay kasal.


May karapatan po ba akong maghabol sa mga ari-arian na lihim niyang naipundar? At ano po ang kailangan kong gawin para habulin ang mga ito?


Lahat ng ari-arian na naipundar habang kayo ay kasal, kahit na ang nagpundar ay ang iyong asawa at naka-rehistro lamang sa pangalan niya, ay presumed na conjugal property ang mga ito ng mag-asawa.

Show comments