Ang asawa ko po ay magre-retire next year. Off and on po ang pagsasama namin. Noong 1974 po nagsimula ang hindi magandang pagsasama namin. Ilang beses po kaming nagtangka ng reconciliation pero wala ring nangyari. Simula noon sinosolo na niya ang kanyang suweldo.
Paano po ba makakukuha ng pera sa kanya para sa akin at sa aming mga anak. Ang mga pangangailangan po ng aking mga anak ay: 1.) Maning, 35 years old married with 2 kids 33,000 para sa sanding machine niya; 2.) Tina, 34, single parent with two sons P20,000 for mini beauty parlor; 3.) Connie, 33, married with three kids P20,000 for sari-sari store; 4.) Imelda, 32, with two sons P20,000 for sari-sari store and market stall; 5.) Oscar, 30, single P30,000 for barber shop; 6.) Antonio, 29, with one baby boy P30,000 for down payment para sa tricycle at P10,000 para sa market stall; 7.) Maryann, 17, 1st year sa college.
Hindi po namin alam kung papaano mahihingi ang mga ito sa kanyang retirement pay.
Ayon sa ating batas, ikaw at ang iyong mga anak ay may karapatang makakuha ng suporta sa iyong asawa (Art. 195, NCC).
Maaari kayong magsampa ng kaso para sa suporta laban sa iyong asawa dahil kayo ang kanyang legal na pamilya.
Ayon sa Korte Suprema (Atienza vs. Almeda-Lopez, et al) ang asawang lalaki, kahit na hiwalay sa kanyang esposa, bilang puno ng pamilya (head of the family) ay may karapatan sa lahat ng kanyang retirement pay at i-administer ito. Ang esposa niya na may karapatan lamang sa suporta galing sa lalaking asawa ay makiki-share lamang sa prutas at mga kikitain ng retirement pay niya, at hindi iyong pag hahati-hatian nila mismo ang retirement pay niya.