^

PSN Opinyon

Editoryal - Tunay na reporma ang kailangan

-
PATULOY sa pagbulusok ang piso. Saan patutungo ang kalagayan ng mga Pilipino sa sitwasyong ito? Hindi na maitatatwa na malaki ang kasalanan ng Estrada administration sa patuloy na pagbulusok ng piso. Wala kasing direksiyon at walang maipakitang tunay na reporma. Hindi rin maitatanggi na malaki ang pinsalang idinulot ng jueteng scandal sa pagbagsak ng piso. Mula nang pasabugin ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na tumanggap si President Estrada nang P400 milyon sa jueteng, sumadsad pa lalo ang piso. Nawala ang tiwala ng mga investors at tumamlay ang stock market. Habang patuloy sa pagsisiwalat si Singson, wala ring tigil sa pagbagsak ang piso laban sa dolyar na ngayo’y P48.74 na.

Noong 1998 ay magkasinghalaga lamang ang piso at ang Thailand baht. Nauna pang naka-recover ang Pilipinas sa Thailand nang magkaroon ng financial crisis. Ngayon ay nakaungos na ang Thailand at naglalaro na ang baht sa 43 laban sa dollar. Anong nangyayari sa piso? Noong nakaraang linggo, sinisi pa ng Thailand ang piso sapagkat hinahatak daw nito pababa ang kanilang baht.

Bago pa sumabog ang jueteng scandal ay sumisisid na ang piso. Bago natapos ang 1999, bumulusok din ito dahil sa Best World Resources scandal na kinasangkutan ni Dante Tan, kaibigan ni Estrada. Patuloy sa pag-sisid at nanagasa ang financial crisis sa Asia na sinundan ng walang tigil na pagtaas ng langis dulot ng kaguluhan sa Middle East. Nakatulong din sa pagbagsak ang walang tigil na pangingidnap ng mga bandidong Abu Sayyaf. Sa kabila ng pagbagsak, maaliwalas naman ang tanaw ng mga economic managers at sinabing bago matapos ang taong ito ay lalakas ang piso. Inaasahan marahil ng mga ito ang pagdagsa ng dollar na ipadadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ngayong Kapaskuhan. Subalit malabo ang pag-asa sapagkat marami sa mga OFWs ang iniipon na lamang ang kanilang dollar sa abroad. Apektado rin marahil sila ng mga kaguluhang yumayanig sa administrasyon at nawawalan sila ng tiwala.

Ang Estrada administration lamang ang makapagsasalba sa bumubulusok na piso. Kailangang magsagawa ng tunay na reporma at ipakita sa mga investors na totoo at hindi ningas kugon ang pagbabago sa pamahalaan. Pawiin ang anino ng cronyism at corruption sa pamahalaan. Nararapat ding magkaroon ng direksiyon sa pamumuno. Linisin ang pangalan sa jueteng scandal sa pamamagitan ng pagmamadali sa impeachment case na isinampa. Kumilos na para maisalba ang piso at ang nakadapang ekonomiya.

ABU SAYYAF

ANG ESTRADA

BEST WORLD RESOURCES

DANTE TAN

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

MIDDLE EAST

PISO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with