Cavite police chief ayaw kumilos sa jueteng
October 22, 2000 | 12:00am
MARAMI ang tumawag sa akin mula nang ibulgar ko noong Miyerkules ang mga naglipanang pasugalan sa Dasmariñas at Bacoor, Cavite.
At iisa ang tugon nila, talamak talaga ang pasugalan sa Cavite at walang ginagawang aksiyon si Senior Supt. Nestor Senares, hepe ng pulisya ng probinsiya, para ito masugpo.
Ibig bang sabihin nito sinusuway ni Senares ang kautusan ni Interior Secretary Alfredo Lim na pag-ibayuhin ng pulisya ang kampanya laban sa jueteng na nagbigay ng malaking problema kay Presidente Estrada?
At ang katwiran ng mga tumawag sa akin, kaya hindi gumagalaw itong si Senares ay dahil sa malaking halaga ang napupunta sa kanyang bulsa. Alam umano ito ng isang Major Agojo, na utak sa centralized na pasugalan sa probinsiya.
Maraming impormasyon ang ibinigay ng mga tumawag sa akin subalit inutusan ko muna ang aking espiya na kumpirmahin ito bago isiwalat para maaksiyunan ng mataas na pamunuan ng PNP kung ayaw gumalaw ni Senares.
Dalawang financiers pa lang ang binanggit ko na nag-ooperate sa mga bayan ng Bacoor at Dasmariñas. Sila ay sina Obet Catapia at Danny Itlog. Iba pa ito sa kubransa ng isang Wowie na ang financier naman ay isang Hapones na nakabase sa Pasay City.
Ibinulgar ko pa na umaabot sa P5,000 araw-araw ang lagay ng hepe ng pulisya sa dalawang bayan ng Cavite, kina Catapia at Danny Itlog. Maraming bayan sa Cavite, e di malaki pala ang kita nitong si Major Agojo, no?
Sa pagtanong-tanong ko, ito palang si Senares ay napipisil ni PNP Chief Director General Panfilo Lacson na pumalit sa puwesto ni Chief Supt. Avelino Razon Jr., na hepe ng Manila police, sa nalalapit na rigodon ng pulisya.
Eh, kung hindi kaya ni Senares na aksiyunan itong sina Catapia at Danny Itlog, paano siya magiging matagumpay laban sa mga pasugalan sa Maynila?
Dapat magpakitang gilas itong si Senares laban sa mga pasugalan sa kanyang lugar bago masira ang magandang ambisyon para sa kanya ni General Lacson. Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest