"Number four." Nawawalan na ng loob si Susan. Mag-aalas-11 nay wala pa ang lawyer. Gusto niyang umiyak pero nasaid na ang luha.
Umakyat ang apat na taong gulang na bata sa witness stand. "Considering that the victim shall relay to this Court her gory experiences, may we request all persons not related in this case be excused," bungad ng public prosecutor.
Lumabas ang mga nakaposas, liban sa matanda. Ngayon ang araw na siyay ituturo. Ang loloy lalong naiihi. At habang nagbabalitaktakan sa Kortey tuloy sa pagdasal si Susan. Tinawag lahat ang mga santo. At kung may santo lang para sa presoy dinasalan na niya. Presto, may anghel ding nakarinig sa panalangin.
"Sorry, I am late." "Diyos ko po, ang abogado ko." Lalo siyang kumisig. "Kayo naman Atorni, akala ko hindi na kayo darating." "Hindi naman, galing ako diyan sa kabilang Korte, nagsimula na ba?" "Panghuli tayo." "Good, just in time. Heto ang ating motion for dismissal." Halos yakapin ni Susan ang abogado. Binasa at naluha-luha siya sa laman. Nakasaad na siya ay may chronic asthma, 17 buwang nakapiit at nine consecutive hearings postponed. Failure to Prosecute ang pinalaking letra para tiyak na mabasa ng judge.
"Attorney siya nga po, pagpasensyahan mo itong ipon ko. Hindi bale, pag nakalayay dadagdagan ko yan." "Dont worry, ang mahalagay matapos na ito." (Itutuloy)