DOON po sa NAYON - Ang talinghaga ng mandaraya
October 10, 2000 | 12:00am
Ipinagyayabang ng magsasaka na siya ay taong masipag at higit sa lahat marunong at listo sa buhay. Ibig sabihin nalulusutan niya ang maraming gipit na kalagayan. At madalas ay naiisahan niya ang iba. Ginagawa niya ito kahit na siya ay mandaya. Gaya ng ginawa niya sa isang lalaking nangutang sa kanya.
Ang dating may-ari ng lupa na sinasaka niya ay umutang sa kanya dahil nagkasakit ang asawa. Gumawa sila ng kasulatan na pag hindi mabayaran sa loob ng 90 araw ay ituturing ang lupa na naibenta na. Paglipas ng 90 araw, inilipat ng magsasaka ang titulo ng lupa na walang pakundangan at awa.
Parang hindi tama yata ang ginawa natin, sabi ng anak na lalaki ng magsasaka. Dapat binigyan natin ang may-ari ng lupa ng palugit.
Aba anak, sinunod ko lang ang batas at ang nakalagay sa aming kasulatan ganyan talaga ang buhay. Ang marunong ay sumusulong. Umasa ka sa kapwa pero huwag kang paiisa sa iba.
Nang ang magsasaka ay nahuling hindi nagbabayad ng buwis. Nagsadya ang magsasaka sa kapitolyo at sa loob ng isang oras ay nalutas ang problema tungkol sa buwis.
Dumating ang panahon na papasok ang anak na lalaki ng magsasaka sa unibersidad. Kailangan ang entrance examination. Hindi nakapasa ang binatilyo pero nakapasok pa rin. Paano ninyo ako naipasok?
Abilidad, anak at pandaraya sa examination, sabi ng ama na puro pagmamalaki.
Noong una ay walang problema ang bata. Pero isang araw ay bigla na lang sumulpot sa bahay na malungkot. Napaalis siya sa unibersidad.
Ano ang nangyari? tanong ng magsasaka.
Nahuli po akong nandaraya sa examination, sagot ng anak. Hindi na ako makababalik sa paaralan.
Nakakahiya ka, sigaw ng ama. Sinisira mo ang ating pangalan at puri. Bakit mo ginawa ang pandaraya?
Tinularan ko lang kayo, Tatay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest