Ang nangyaring ito sa Makati City ay sinundan ng pamahalaang bayan ng Cainta. Ipinag-utos ni Mayor Nick Felix na ipagbawal ang pagte-text. Sinabi ni Mayor Felix na malaking abala sa pagtatrabaho ang pagte-text ng mga empleyado. Napuna ng mayor ang pagte-text ay malaking kabawasan sa work output ng bawat section kung kaya ay pinagsabihan ng mayor ang mga sector chief na sila ang mananagot sa pagkabalam ng mga bagay-bagay na dapat mabigyang aksyon bunga na nga ng abalang likha ng pagte-text.
Isa pa ring binigyang pansin ni Mayor Felix ay ang pananamit ng mga kawani ng pamahalaang bayan. Bagamat hindi kasindami ng sa Makati ang mga bading sa munisipyo ng Cainta nanawagan din ang mayor sa mga kawaning bading na ayusin ang kanilang kasuutan at maging kagalang-galang sila para huwag silang ulanin ng tukso.
Hindi lamang sa Makati at sa Cainta dapat pairalin ang mga patakarang ito kundi sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at sa buong kapuluan.